Wednesday , October 9 2024
Roderick Paulate

Roderick nanghinayang sa ‘di pagkakapasok ng In His Mother’s Eyes sa MMFF 2023 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MALAKI ang panghihinayang ni Roderick Paulate na hindi sila nakapasok sa Metro Manila Film Festival 2023 ang pelikula nila nina Maricel Soriano at LA Santos, ang In His Mother’s Eyes mula 7K Entertainment. Ginawa kasi ang pelikula para talaga sa festival.

“Nalungkot ako because naka-aim kasi talaga ‘yung movie para sa MMFF. Kaya lang, ganoon talaga ang buhay. May natatanggap, mayroong hindi. May nananalo, may natatalo.

“So, ang akin sana nakapasok pero kung hindi, may ibang plano ang Diyos sa amin,” ani Kuya Dick.

Pwedeng blessing-in-disguise. Itong showing date na napili namin sa November29,  mas makatulong at mas maraming audience sana.

“Ang akin lang naman,  basta nandiyan ‘yung tao. Sana, bumalik na sila, manood na ng mga pelikula. Hindi lang naman ‘yung pelikula namin. Lahat ng pelikulang Filipino, dapat magtulungan tayo, hanggang sa MMFF.”

Idinagdag pa ni Kuya Dick na,  “Kasi, bukod sa pagiging artista, hindi lang ‘yun ang mahal ko. Mahal ko po ang industriyang ito, mahal ko ang pelikulang Filipino.

“Wala pong ibang tutulong sa amin kundi kayo rin po, kaya sana ibalik ninyo ang pagmamahal at suporta ninyo sa lahat ng pelikula. Kaya lang, simulan niyo po sa November 29,” hiling pa ni Kuya Dick. Sa November 29 simulang mapapanood ang In His Mother’s Eyes sa mga sinehan nationwide.

“Nagpapasalamat nga ako kay Direk Joey Reyes. Kasi, ipino-promote niya rin ito at siya ‘yung unang nag-messenger sa akin na, ‘I like this movie, I love this movie at susuportahan ko ito, panonoorin ko to.’ At binanggit na nga niya,” kuwento pa ng veteran comedian.

Talaga namang nakatutuwa ang pagpo-promote na ginawa ni direk Joey Reyes dahil siya ang creative consultant ng Regal Entertainment na producer ng horror trilogy na  Shake, Rattle & Roll Extreme na kasabay ipalalabas sa Nov. 29.

At kahit magtatapat sila ng Shake, Rattle & Roll okey lang kay Kuya Dick. “Hindi ako natatakot in the sense that iba kasi ‘yung istorya namin. Horror sila, kami family story.

“So, pampamilya po ito. Kaya nga ang maisa-suggest ko sa inyo, kung gusto niyo ng kumbaga sa putahe, ibang putahe ‘di ba?

“Umiyak muna kayo, tapos para maibalik kayo sa naturalesa ninyo, takutin n’yo ‘yung sarili ninyo! Manood naman kayo ng ‘Shake, Rattle & Roll,” sabi pa ng aktor.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Candy Veloso Salome Salvi Tahong

Candy Veloso pinaka-dabest ang GL scene kay Salome Salvi 

PINAKA-DABEST kung ituring ni Candy Veloso ang love scene na ginawa niya sa pelikulang Tahong na bida rin sina Salome …

Kim Ji-Soo Mujigae Seoul Mates Mimi Juareza

Kim Ji Soo nakagawa na ng pelikula sa ‘Pinas 10 yrs ago

RATED Rni Rommel Gonzales MALAMANG ay marami ang magugulat kapag nalamang ten years ago pa …

Pinky Amador Jillian Ward

Pinky sa paboritong eksena sa AKNP — confrontation sa APEX, kinalaban ko silang lahat

RATED Rni Rommel Gonzales FINALE na sa Oktubre 19 ang Abot Kamay Na Pangarap. Isa si …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB nakapag-rebyu 200K pelikula, palabas sa TV, at iba pang materyal sa loob ng 9 na buwan

AABOT sa 200,000 pelikula, palabas sa telebisyon at iba pang pampublikong materyal ang narebyu ng Movie …

Bong Revilla Jr Lani Mercado Inah Revilla

Bong naghain na ng COC, sinamahan ng anak na abogada

TIYAK na ang muling pagkandidato ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. para sa 2025 midterm elections matapos …