Wednesday , December 6 2023
Santa Maria Bulacan Undas

  Bayan ng Santa Maria sa Bulacan handa na sa Undas 2023

Ibayong paghahanda ang isinasagawa ng pamahalaang lokal at kapulisan ng Santa Maria, Bulacan para sa nalalapit na Undas sa Nobyembre 1.

Sa atas ni Mayor Omeng Ramos ay pinangunahan ni Municipal Administrator Engr. Elmer B. Clemente ang pagpupulong ng mga barangay, pulisya, bureau of fire protection, mdrrmo, municipal health office, traffic management unit, at iba pa na maaaring makatuwang para matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa paparating na Undas 2023.

Nakasama din sa pagpupulong ang opisyal ng Kanlungan Columbary, Chapels and Crematory na kalapit ng Santa Maria Public Cemetery  kung saan inialok nila ang harapang bahagi ng kanilang compound para pumuwesto sa undas.

Tinalakay din sa pulong at napagkasunduan na ipagbabawal ang pagtitinda sa kahabaan ng kalsada at mga sidewalks sa bisinidad ng Santa Maria Public Cemetery.

Inayos at inilatag naman ng PNP Santa Maria sa pamumuno ni PLt. Colonel Christian Alucod, ang kanilang gagawing mga pagtatalaga ng mga istasyon  sa 14 na mga sementeryo sa iba’t-ibang barangay ng Santa Maria.{Micka Bautista}

About Micka Bautista

Check Also

SMFI urban gardening 1

From adversity to abundance: The triumph of mothers in urban gardening

Some of the KSK farmers tend their urban garden in Sto. Cristo Elementary School The …

Gladys Reyes Kathryn Bernardo

Gladys gustong masampolan ng sampal si Kathryn: Para siyang si Judy Ann 

MASARAP talagang kausap si Gladys Reyes na kung gaano kataray at nakatatakot sa pelikula o telebisyon, kabaligtaran …

duterte china Philippines

PMP: Destabilisasyon, alyansang Duterte-Tsina

BINATIKOS ng Partidong Mangaggawang Pilipino (PMP) ang destabilization plot na pinaniniwalaang instigasyon sa kampo ng …

120423 Hataw Frontpage

Pagbomba sa MSU gym inako ng Islamic group

HATAW News Team INAKO ng Islamic State militants ang repsonsibilidad sa pagpapasabog sa gymnasium habang …

120423 Hataw Frontpage

Meralco, may P150-B utang na refund sa consumers

TAHASANG sinabi ng dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may P150 bilyong utang …