Friday , December 8 2023
gun ban

Sa pagpapatupad ng gun ban sa CL
HIGIT 200 BARIL, DEADLY WEAPONS, PAMPASABOG, NASAMSAM

NAKOMPISKA ng mga awtorodad ang mahigit sa 200 bilang ng mga nakamamatay na sandata, mga pampasabog, at iba’t ibang uri ng baril sa Central Luzon sa patuloy na pagpapatupad ng gun ban kaugnay sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 sa huling Lunes ng buwan, 30 Oktubre.

Ipinahayag ni PRO3 Regional Director P/BGen. Jose Hidalgoo, Jr., mula 28 Agosto hanggang nitong Linggo, 15 Oktubre, nasamsam ang may kabuuang 156 iba’t ibang uri ng mga baril at nakamamatay na sandata kabilang ang mga pampasabog samantala naaresto ang 195 indibiduwal sa mga isinagawang police operations kabilang ang mga checkpoint, illegal drug operations, at pagsisilbi ng search warrants.

Hinimok ni P/BGen. Hidalgo ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa checkpoints at inulit ang kanyang pagtiyak na ang mga police personnel ay magmamasid ng mga patakaran at pamamaraan at itataguyod ang kanilang mga batayang karapatan.

Habang nasa checkpoint, pinaalalahanan ang mga motorista na mag-slowdown; i-dim ang kanilang headlights, buksan ang cabin lights at sumagot agad kapag tinatanong ng mga awtoridad.

“I have also reminded our personnel to be courteous to motorists and to adhere to general guidelines prescribed in our Revised Police Operational Procedures,” dagdag ng opisyal.

Ang pagdadala ng mga baril, iba pang nakamamatay na sandata at pampasabog gayondin ang pagbiyahe ay mahigpit na ipinagbabawal mula 28 Agosto hanggang 23 Nobyembre 2023. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan jail guard, sumailalim sa skills at competence seminar

Bulacan jail guard, sumailalim sa skills at competence seminar

SA paghahangad na mapataas ang kanilang kahusayan at mas mapabuti ang kanilang mga kakayahan, nagsagawa …

Bulacan Police PNP

Sa 2 araw police ops sa Bulacan
P.2-M ILEGAL NA DROGA NAKUMPISKA, 13 TULAK ARESTADO; 4 PANG PASAWAY INIHOYO

LABING-PITONG indibiduwal ang sunod-sunod na naaresto sa dalawang araw na anti-criminality operations ng Bulacan police …

SMFI urban gardening 1

From adversity to abundance: The triumph of mothers in urban gardening

Some of the KSK farmers tend their urban garden in Sto. Cristo Elementary School The …

Gladys Reyes Kathryn Bernardo

Gladys gustong masampolan ng sampal si Kathryn: Para siyang si Judy Ann 

MASARAP talagang kausap si Gladys Reyes na kung gaano kataray at nakatatakot sa pelikula o telebisyon, kabaligtaran …

duterte china Philippines

PMP: Destabilisasyon, alyansang Duterte-Tsina

BINATIKOS ng Partidong Mangaggawang Pilipino (PMP) ang destabilization plot na pinaniniwalaang instigasyon sa kampo ng …