Monday , September 25 2023
MaryKay Loss Carlson Coast Guard PCG

Sa turnover ceremony ng PCG training facility sa Bulacan
CARLSON KINOMPIRMA SUPORTA NG US SA PH

DUMALO si US Ambassador to the Philippines MaryKay Loss Carlson sa turnover ceremony ng Specialized Education and Technical Building ng Philippine Coast Guard (PCG) sa DoTC Road, Barangay Santol, Balagtas, Bulacan, kamakalawa ng hapon.

Kasama ni Carlson sa seremonya si PCG Deputy Commandant for Administration, CG Vice Admiral Ronnie Gil Gavan.

Ang nasabing pasilidad ay sa pagtutulungan ng Estados Unidos at ng Filipinas na gagamitin ng bansa para i-professionalize ang Coast Guard Fleet sailors. 

Ang konstruksiyon ng two-story building facility ay nagkakahalaga ng P250-milyon bilang bahagi ng commitment ng gobyernong Amerikano para asistehan ang PCG sa pagpapalakas ng puwersa sa pagbabantay at pagpapanatili ng kaayusan sa karagatan.

Ayon kay Carlson, masaya siya sa inagurasyon ng nasabing pasilidad dahil ito ay isang world class facility at mahalaga ang pagtutulungan ng dalawang bansa para protektahan ang buhay at kabuhayan sa paligid ng Filipinas lalo nitong 11 Setyembre kung kailan ginugunita ang 9/11 incident sa buong mundo.

Aniya, mahalaga ang long time commitment ng Filipinas at Amerika dahil magkasangga ang dalawang bansa sa kaunlaran. Maayos ang alyansa para sa pagliligtas kapag may problema sa karagatan lalo sa pagpoprotekta ng kabuhayan dito.

Ayon sa PCG, magagamit nila ang nasabing pasilidad sa pagsasanay sa navigation, enforcement, at maintenance ng mga sasakyang pandagat.

Sinabi ni PCG Deputy Commandant for Administration, CG Vice Admiral Ronnie Gil Gavan,  maraming trabaho ang PCG kaya kailangan din nilang paramihin ang kanilang tauhan para sa mga gampanin ng safety, security at environmental concern sa karagatan.

Patungkol sa ibang isyu, sinabi ni Gavan na mas mapapadalas ang resupply mission sa BRP Sierra Madre dahil ito ay routine activities at may mga stations na rin ang PCG sa mga isla at tumutulong sila sa Philippine Navy para sa re-supply activities.

Ayon kay Gavan, may mga ulat silang natatanggap na may nagaganap pang pambu-bully sa mga mangingisdang Pinoy sa Panatag shoal pero biniberipika pa nila ang nasabing ulat. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

THE Department of Science and Technology (DOST) Region XII celebrated for three days from Sept. …

My Plantito Kych Minemoto Michael Ver

My Plantito fan meet dinaluhan ng mga Pinoy BL community at iba pang tagapagtangkilik

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga masugid na tagapanood ng kauna-unahang BL (Boy-Love) na serye ng …

Aiko Melendez Eddie Garcia

Aiko dapat nang ipasa ang ‘Eddie Garcia’ bill 

HINIMOK ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa ang tinatawag na “Eddie Garcia” bill, …

Domingo de Dolores Pakil, Laguna Sun Ring Rainbow

Sa Pakil, Laguna
IKA-235 PAGDIRIWANG NG DOMINGO DE DOLORES MGA DEBOTO GINULAT NG MALA-KORONANG SINAG NG ARAW

PINAG-ALAB ang pananampalataya ng mga deboto nang sila’y gulatin ng mala-koronang sinag ng araw na …

fire sunog bombero

International school sa QC, nasunog

SA kalagitnaan nang isinasagawang fire drill, biglang lumiyab ang apoy sa Starland International School (SIS) …