SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
TILA nakatulong ang pagiging kontrobersiyal ng pelikulang Barbie dahil nalagpasan na nito ang billion dollar mark sa box office.
Sinasabi ngang gumawa ng kasaysayan ang live-action film na Barbie na tatlong linggo nang ipinalalabas sa mga sinehan worldwide at patuloy na tinatangkilik.
Sa ngayon kumita na ang pelikula ng $1.0315 billion o mahigit sa P55.9-B.
Kaya naman nagtala ng record ang direktor ng pelikula na si Greta Gerwig bilang kauna-unahang solo female director na kumita ng billion-dollar film.
“A massive achievement like this is possible when you have an incredible filmmaking team, with cast and crew coming together to create a truly special moviegoing experience,” anang Co-Chairs at CEOs ng Warner Bros. Motion Picture Group na sina Michael De Luca at Pam Abdy.
“Along with our partners at Mattel, and with the support of the entire Warner Bros. Discovery family, we are thrilled that audiences the world over are embracing the ‘Barbie’ movie in such a profound way,” dagdag pa ng dalawa.
At dahil ikinokonsidera nang biggest film sa summer box office ang pelikulang Barbie, ka-join na ngayon si Greta sa elite group of writer/directors na ang singular vision ay mayroong $1 billion sa global box office, isang milestone na testament sa kanyang brilliance at sa commitment na makapag-deliver ng pelikulang tulad ng Barbiena anumang edad ay gusto itong mapanood.
Umiikot ang kuwento ng live-action film sa “women empowerment,” gayundin sa mga pagsubok na pinagdaanan ni Barbie para harapin ang bagong mundo na kanyang napuntahan, ang “Real World.”
Pinagbidahan ni Margot Robbie (Barbie) ang pelikula habang ang katambal niya bilang “Ken” ay si Ryan Gosling.