Saturday , June 21 2025
Government employee tinambangan ng riding in-tandem patay

Government employee tinambangan ng riding in-tandem patay

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang empleyado matapos tambangan ang kinalululanan nitong sasakyan at pagbabarilin ng dalawang nakamotorsiklo sa San Rafael, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) kay Police Colonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang biktima ay kinilalang si John Emerson y Parfan, 33, government employee at residente ng Brgy. Tambubong, San Rafael.

Batay sa ulat, dakong alas-7:50 ng umaga, habang ang biktima kasama ang kanyang partner na si Concepcion Sherine Gonzales at isang Corazon Zafra ay lulan ng isang Toyota Avanza, kulay itim, na may plakang NDC 4879 at papasok sa trabaho, ay bigla na lang tumigil sa kaliwang bahagi (driver’s side) ng sasakyan ang dalawang armadong salarin na sakay ng isang Mio motorcycle kulay asul, na walang plaka at saka siya pinagbabaril.

Matapos isagawa ang krimen ay tumakas ang mga salarin papunta sa direksiyon ng San Ildefonso  samantalang ang biktima ay nagawa pang maisugod sa Ace Medical Center sa Baliuag, Bulacan subalit idineklara na itong patay.

Ang mga elemento ng San Rafael MPS ay kaagad namang nagsagawa ng hot pursuit operation upang matukoy ang kinaroroonan at makilala ang mga suspek habang ang SOCO team ay nagsagawa ng pagproseso. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Empowering OFWs, Fueling Innovation DOST Region 1 inks first iFWD PH project in La Union

Empowering OFWs, Fueling Innovation DOST Region 1 inks first iFWD PH project in La Union

𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗢𝗙 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗗𝗢, 𝗟𝗮 𝗨𝗻𝗶𝗼𝗻 – In a significant milestone for migrant worker reintegration …

San Jose del Monte CSJDM Police

Tatlong armado arestado
2 sekyu nailigtas sa mabilis na aksyon ng pulisya

ARESTADO ang tatlong lalaki matapos ireklamo ng pananakit, pananakot gamit ang baril, at pagdampot sa …

Bulacan Police PNP

Sa 24-oras na operasyon ng pulisya, 6 wanted sa batas nasakote

MATAGUMPAY na naaresto ng pulisya ang anim na indibidwal na na pinaghahanap ng batas sa …

No Firearms No Gun

Kawatan nanlaban, sapul sa pakikipagpalitan ng putok sa mga parak

SUGATAN ang isang lalakin matapos makipagpalitan ng putok kasunod ang mabilis na pagresponde ng mga …

ArenaPlus basketball coaching clinic FEAT

ArenaPlus empowers coaching clinic shaping future basketball champions

The future of basketball is bright as ArenaPlus, the country’s best sportsbook, partnered with coach …