Friday , September 20 2024
Dina Bonnevie

Dina nagbahagi ng ilang sikreto para manatili sa industriya

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA panayam namin kamakailan kay Dina Bonnevie, binanggit namin sa aktres na isa siya sa mga itinuturing na iconic actresses sa Pilipinas.

Wow! Thank you naman, ngayon ko lang narinig ‘yan,” ang natatawang reaksiyon ni Ms. D sa sinabi namin.

Tinanong namin siya kung ano sa tingin niya ang dahilan kung bakit nagtatagal siya sa industriya ng pelikula at telebisyon.

Ako simple lang, siguro kasi mahal ko ‘yung trabaho ko, talagang niyakap ko and tinanggap ko ‘yung ibinigay sa aking regalo ng Panginoon.

“Kumbaga He gave me the gift of acting, parang… hindi ko kinailangan ng acting coach, bata pa ako umaarte na ako, parang I just honed my craft, parang God gave me this talent, mas hinasa ko pa, mas pinahusay ko pa.

“And then ‘yun, it’s just simple na I love what I do, so because I love what I do, inaaral ko ang script, hindi ako nale-late, I come on time, nakikibagay ako sa mga kasama ko sa set.

“Nakikihalubilo ako, iniintindi ko ang bawat miyembro ng cast, kung mayroon man isang may pinagdadaanan diyan iniintindi ko, ‘yung ganoon.

“Parang you already know that when you belong to a cast you belong to a family, this is your new family and you have to embrace kung ano man… kung ano ‘yung parang ‘unwritten rules, ‘di ba?

“Sa bawat cast mayroong unwritten rules, pero mababasa mo ‘yun eh, ‘pag nakipaghalubilo ka sa kanila, nakipag-usap, malalaman mo na, ‘Ay ito pala ang parang norm sa set, ito ang unacceptable’, and makikibagay ka roon.

“So I guess rule of thumb lang talaga, love your work and you’ll do what you need to do,” pahayag ni Dina na gumaganap na Giselle Tanyag sa top-rating series ng GMA na Abot Kamay Na Pangarap.

Ang Abot Kamay Na Pangarap ay sa direksiyon ni LA Madriejos at napapanood sa GMA Afternoon Prime.

Pinagbibidahan ito nina Jillian Ward bilang Dra. Analyn Santos at Carmina Villarroel bilang Lyneth Santos.

About Rommel Gonzales

Check Also

DOST trains 14 Jasaan milk producers on food safety and good manufacturing practices

DOST trains 14 Jasaan milk producers on food safety and good manufacturing practices

In its mission to enhance its production standards, the United Livestock Raisers Cooperative (ULIRCO) underwent …

2024 Handa Pilipinas Mindanao Leg

2024 Handa Pilipinas: Mindanao Leg

Innovations in climate and disaster resilience nationwide exposition 02-04 OCTOBER 2024 | KCC Convention Center, …

Philippine Reclamation Authority PRA Bagong Pilipinas

PRA suportado, tutuparin Bagong Pilipinas vision

IBINIDA ng Philippine Reclamation Authority (PRA) ang mga pangunahing proyekto nito na hindi lang makatutulong …

Allan De Castro Jeffrey Ariola Magpantay Catherine Camilon

Ex-police major, aide/driver arestado sa pagkawala ni Camelon

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Arestado ng mga local na awtoridad ang nasibak na police …

Bong Revilla blood letting

Dugo dumanak sa QC sa kaarawan ni Revilla

DUMANAK ang dugo kahapon, 18 Setyembre 2024, sa Quezon City nang idaos sa Amoranto Sports …