KAARAWAN ni Kris Bernal noong May 17, na 30 years old, at ang isa pala sa mga birthday wish niya ay magkaroon isa pang anak.
Sa guesting ni Kris sa recent episode ng Fast Talk With Boy Abunda na kasama niya si Beauty Gonzales, co-star niya sa House of Lies ay inihayag nitong wish niyang magkaroon ng kalaro ang panganay niyang anak na si Hailee.
“Sana ma-bless pa ng another baby,” ang sagot ni Kris sa tanong kung ano ang birthday wish.
“Gusto ko pa ng maraming-maraming baby.
“Kasi parang kapag isa lang, kapag nakikita kong walang kalaro ‘yung anak ko, parang ang sarap siguro kapag marami siyang kalaro, marami siyang kausap, marami siyang napagshe-share-an ng mga gamit niya.”
Ang mister ni Kris ay ang businessman na si Perry Choi at ang anak nilang si Hailee ay ipinanganak noong 2023.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com