Kris Bernal

Kris Bernal gusto ng maraming-maraming anak

MATABIL
ni John Fontanilla

ANG magkaroon ng another baby ang wish ni Kris Bernal sa kanyang kaarawan.

Nang mag-guest ito kamakailan sa Fast Talk with Boy Abunda ay napag-usapan nila ang  tungkol sa posibleng pagkakaroon nila ng isa pang anak ni Perry Choi.

Ayon kay Kris walang problema na muling  magbuntis at manganak kung mabibigyan siya ng chance, dahil gusto niya ng maraming-maraming baby.

Sana ma-bless pa ng another baby. Gusto ko pa ng maraming-maraming baby.”

Dagdag pa, “Kasi parang kapag isa lang, kapag nakikita kong walang kalaro ‘yung anak ko, parang ang sarap siguro kapag marami siyang kalaro, marami siyang kausap, marami siyang napagshe-share-an ng mga gamit niya.