RATED R
ni Rommel Gonzales
HAPPY si Heart Evangelista na maging host, sa pinakaunang pagkakataon, ng pinakabagong original game show ng GMA, ang The People Have Spoken.
“It’s a first time for me to host a game show.
“I must say, nawalan ako ng boses, pero ang saya ko kasi madaldal talaga akong tao.
“I feel like nagkaroon ako ng outlet to be more expressive, to join a conversation, and I love that,”pagbabahagi ni Heart.
“It’s something that you can interact with people on the show and the people watching. Endless kasi ‘yung topics.
“So hindi lang siya ‘yung parang trivia.
“Parang dito, parang walang maling sagot, but may dahilan kung bakit ganoon ang sagot nila.
“So in a way, you’re also educating each other. So I love it, I love that!”
Makakasama rin ni Heart sa show ang Kapuso artist na si Sean Lucas na sama-sama nilang pakikinggan ang opinyon ng 100 studio audience tungkol sa iba’t ibang paksa at issues.
Mapapanood tuwing Sabado,6:15 p.m. sa GMA.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com