RATED R
ni Rommel Gonzales
NAPALITAN na ang The Blairwitch Project (ipinalabas sa mga sinehan noong 1999) bilang number one na paborito naming suspense/thriller flm nang napanood namin ang Backrooms.
Panay ang tili namin at ng iba pang mga nasa loob ng sinehan habang pinapanood ang pelikula.
Sa umpisa, may maikling speech ang direktor ng pelikula na si Kane Parsons na batambata at napaka-guapo, kaya iisipin mo na ang panonoorin mo ay isang romcom film.
Pero noong sinimulan na ang pelikula, hanggang sa gitna, hanggang sa matapos, na-trauma kami, in a good viewing way.
Nakatatakot, nakawiwindang, nakakikilabot na palabas ngayon sa mga sinehan!
Hindi kami matatakutin, sa scary movies man o sa tunay na buhay; ilang beses na kaming “pinaramdaman” ng mga supernatural entity.
Pero sa kabuuan ng panonood namin, matinding takot at kilabot ang aming naramdaman.
Magsisimula na ang hilakbot sa mga sinehan sa June 3, 2026.
“Backrooms is more than just a movie release for us — it’s an experience designed to pull audiences deeper into the world of the film even before they enter the cinema,” ani Anter RJ San Agustin, CEO ng CreaZion Studios.
Dagdag pa niya, “We wanted Filipino horror fans to feel the fear, the mystery, and the disorientation that made it a global phenomenon. This is something audiences have never experienced before.”
Si Kane rin nga pala ang creator ng mga original viral Backrooms videos.
Mga bida naman sa pelikula bilang si Clark ang Academy Award nominee Chiwetel Ejiofor at ang Cannes Best Actress winner Renate Reinsve na parehong mahusay sa pelikula.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com