RATED R
ni Rommel Gonzales
HALOS limang taon nang pumanaw ang ina ni Angela Muji na si Mommy Lanie pero hanggang ngayon ay kinakausap pa rin ito ng aktres.
Tuwing aalis ng bahay si Angela ay nagpapaalam siya sa yumaong ina.
“Actually, she’s at home right now, her urn. Before I left, I kissed her urn and I said, ‘Wish me well, Mom.’
“I feel like she’s always watching me,” pahayag ng Viva female star.
November ng taong 2020 pumanaw ang ina ni Angela dahil sa sakit na kanser.
Alam ni Angela na hanggang sa kasalukuyan ay binabantayan at igina-guide siya ng kanyang ina, kaya naman sunod-sunod ang magagandang nangyayari sa career niya bilang artista.
Isa sa mga latest na magandang biyaya kay Angela ay ang pagbibida sa Viva One series na Dating Alys Perezna ang streaming ay simula na sa June 12.
Bukod dito ay napapanood na rin ang Viva One Originals na My CEO Thinks I’m A Robot na sila ni Carlo Aquino ang mga lead star.
Saad ni Angela, “I am grateful po!
“Actually, lagi kong sinasabi na it doesn’t sink in, pero it never really does.
“I can’t fathom the idea that I will be the lead in the series, it is actually the second season.
“So I’m so grateful po sa Viva, to all the supporters and to God of course.
“For the longest time, I keep asking myself what does it get good, kasi sobrang dami kong pinagdaanan before.
“There were so many instances na I just almost gave up.
“But I still keep going because I always saw myself as an actress. This is my dream come true, and I am just so grateful for this moment.
“Sometimes, even I don’t believe myself, but then I remind myself na if isinugal ninyo lahat sa akin, bakit hindi ako sumugal sa sarili ko?
“I just need to believe myself more.”
Malaking utang na loob ang tinatanaw ni Angela sa Viva at siyempre sa kanyang mga tagahanga at tagasubaybay.
“Thank you for seeing my potential and giving me countless opportunities that I never thought I would ever have na pangarap ko lang talaga, nagkatotoo.
“I will really keep doing my best in everything I do. I will keep believing in me because sana ito lang po ang simula ng career ko.
“I want this to be the beginning. I want more for myself.
“It might sound greedy pero it doesn’t hurt to dream big, ‘di ba? Kung mangangarap ka lang, lakihan mo na.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com