MAINIT na pinag-usapan ang unang episode ng nagbabalik-telebisyong Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda na napanood noong Linggo ng gabi.
Special guest ni Vice Ganda ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na umiyak dahil sa mga rebelasyon nito sa show ng Unkabogable Star.
Napag-usapan nina VG at Alden ang personal life ng aktor at doon na tila hindi napigilan na maiyak.
Kaya naman inakap ni VG si Alden para pakalmahin. Ani Vice Ganda, may 10 minuto ang naging pag-iyak ng Kapuso star.
Matapos ang naturang eksena sa GGV, nag-post si Vice sa kanyang X. Anito, “That breakdown took almost 10 minutes. And parang ayaw ko nang ituloy yung interview kasi awang-awa ako sa kanya. Grabe yung iyak niya.
“But he insisted to still continue. Haaaayyy!!! love you Alden!” dagdag pa ni Vice.
Sinagot ito ni Alden ng “Love you Vice.”
Sa guesting ni Alden sa GGV, napag-usapan ang ukol sa limang taga-showbiz na niligawan nito. Sa lima wala siyang naging girlfriend.
Pagbabahagi ni Alden, nakadalawang “official girlfriend” na non-showbiz siya noong estudyante pa lamang.
May niligawan din siya na taga-showbiz na pareho silang umatras o hindi itinuloy.
Hindi na pinangalanan ng binata ang female celebrity bilang respeto..
Aniya, “one thing na natutunan ko sa whatever happened with that relationship is to never say never.
“Huwag mong bigyan ng ultimatum ‘yung sarili mo dahil sobrang saya mo sa sitwasyon. Kinain ko ‘yung mga sinabi ko noon.”
Inamin din ni Alden na may mga sablay din siyang nagawa pagdating sa love at pakikipagrelasyon gays ng ghosting.
“Feeling ko, ‘yung love life sa akin medyo mailap siya for the past 15 years na, kasi sinusubukan kong hanapin.
“Hindi ko sinasabing hindi ko hinihintay ‘yung taong darating para sa akin. Kasi for the longest time, hinahanap ko ‘yung para sa akin, so baka for a change, hintayin ko naman siya ngayon.
“Siguro for the longest time, naghahanap ako ng pagmamahal from another person, na na-realize ko na ang pagmamahal pala sa sarili ‘yung kulang,” at dito na hindi napigilan ni Alden ang maging emosyonal. (MValdez)
