Tuesday , December 5 2023
marijuana

P10-M ‘damo’ nakumpiska  
3 TULAK TIMBOG SA BULACAN

TINATAYANG P10.02-milyong halaga ng marijuana ang nasamsam mula sa mga nadakip na tatlong hinihinalang mga tulak sa pinatindi pang kampanya laban sa ilegal na droga ng Bulacan PPO sa mga bayan ng Guiguinto at Obando nitong Miyerkoles ng umaga, 19 Oktubre.

Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, ang mga naarestong suspek na sina Eliterio Pazon, Jr. alyas Jun, 28 anyos; at Hazel Domingo, 31 anyos, kapwa mula sa Brgy. Sta. Rita, Guiguinto; at Allan Lucero alyas Lance, 31 anyos, mula sa Brgy. Hulo, Obando.

Batay sa imbestigasyon, sina Pazon at Domingo ay naaresto sa ikinasang buybust operation sa Masagana Homes,Brgy. Rita, Guiguinto ng mga tauhan ng  Guiguinto MPS at Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) dakong 3:15 ng madaling araw kahapon kung saan nakumpiska mula sa kanila ang 16 na bloke ng hinihinalang marijuana na may timbang na  30 kilos at tinatayang nagkakahalaga ng P3,600.000.

Kasunod nito, nadakip sa buybust operation na ikinasa ng magkasanib na pwersa ng mga tauhan ng Obando MPS at ng PIU ang isa pang suspek na kinilalang si Allan Lucero sa Brgy. Hulo, Obando dakong 4:35 ng madaling araw.

Narekober mula kay Lucero ang 67 bloke ng hinihinalang marijuana may timbang na 53.5 kilo at tinatayang nagkakahalaga ng P6,420,000. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

120423 Hataw Frontpage

Meralco, may P150-B utang na refund sa consumers

TAHASANG sinabi ng dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may P150 bilyong utang …

Panay Guimaras NGCP electricity

Sa TRO ng Korte Suprema
PANAY-GUIMARAS INTERCONNECTION NG NGCP NABALAHO

TULUYAN nang maaantala ang isa sa mga priority project ng  National Grid Corporation of the …

SMFI 397 scholar 1

SM Foundation lauds 397 college scholar-graduates  

The SM Foundation (SMFI) celebrates the feat of 397 SM scholars from class 2023, including …

SM Foundation SM Prime 1

From challenges to change: SM Foundation and SM Prime build new school facility in Laguna

The new two-floor school building of Laguna Resettlement Community School features four fully equipped rooms …

Kathniel karla estrada

Karla pilit itinatago ang katotohanan

HATAWANni Ed de Leon ANG maaari lang tumapos sa mga tsismis na split na sina Daniel …