Tuesday , December 5 2023
shabu drug arrest

 ‘Aiko’ tiklo sa droga

ISANG babaeng high value individual ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation sa Mabalacat City, Pampanga kamakalawa.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Protom Guevarra, hepe ng Mabalacat City Police Station (CPS) kay P/Col. Alvin Ruby Consolacion, acting provincial director ng Pampanga PPO, ang magkasanib na elemento ng Mabalacat CPS, 302nd MC RMFB 3 Polar Base at 2nd PMFC ay nagsagawa ng follow-up operation laban sa wanted person sa 31st St., Mawague Resettlement, Brgy. Sabang Biabas, Mabalacat City, Pampanga.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkaaresto kay alyas Aiko, 30 anyos, residente sa nabanggit na barangay.

Si alyas Aiko ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Edap P. Dizon-Era ng RTC Branch 60, Angeles City.

Ang akusado ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sec.5 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Act of 2002) na walang itinakdang piyansa.

Si alyas Aiko ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Mabalacat CPS para sa dokumentasyon at nararapat na disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

120423 Hataw Frontpage

Meralco, may P150-B utang na refund sa consumers

TAHASANG sinabi ng dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may P150 bilyong utang …

Panay Guimaras NGCP electricity

Sa TRO ng Korte Suprema
PANAY-GUIMARAS INTERCONNECTION NG NGCP NABALAHO

TULUYAN nang maaantala ang isa sa mga priority project ng  National Grid Corporation of the …

SMFI 397 scholar 1

SM Foundation lauds 397 college scholar-graduates  

The SM Foundation (SMFI) celebrates the feat of 397 SM scholars from class 2023, including …

SM Foundation SM Prime 1

From challenges to change: SM Foundation and SM Prime build new school facility in Laguna

The new two-floor school building of Laguna Resettlement Community School features four fully equipped rooms …

Kathniel karla estrada

Karla pilit itinatago ang katotohanan

HATAWANni Ed de Leon ANG maaari lang tumapos sa mga tsismis na split na sina Daniel …