Tuesday , November 11 2025
arrest posas

Top 3 MWP sa kasong rape nasakote

HINDI na nakapalag ang isang lalaking may kasong panggagahasa matapos arestohin ng pulisya sa pinagtataguan sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan nitong Lunes, 8 Agosto.

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Cresenciano Cordero, hepe ng San Jose del Monte CPS, kinilala ang nadakip na akusadong si Warly Lacson y Nacinopa, 22 anyos, kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Bagong Buhay B, sa nabanggit na lungsod.

Dakong 8:50 am kamakalawa nang isilbi ang warrant of arrest laban kay Lacson sa pangunguna ni P/MSgt. Darwin de Castro sa ilalim ng superbisyon ni P/Lt. Cordero, MAPSA katuwang ang 24th Special Action Company, 2SAB PNP-SAF, 2nd PMFC Bulacan PPO, 301st MC RMFB 3, 3rd SOU Maritime Group at PHPT Bulacan.

Napag-alamang nakatala si Lacson bilang Top 3 Most Wanted Person sa city level ng San Jose del Monte sa dalawang kaso ng Qualified Rape.

Inilabas ang warrant of arrest laban sa kanya ni Presiding Judge Ma. Cristina Geronimo Juanson ng San Jose del Monte RTC Branch 5-FC, may petsang 22 Hulyo 2022 at walang itinakdang piyansa sa bawat kaso.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa San Jose del Monte CPS Custodial Facility para sa naaangkop na disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …

Bodjie Dy III

Maging handa, magkaisa at huwag magpakampante

kay Uwan – Speaker Bodji ni Gerry Baldo NANAWAGAN si House Speaker Faustino “Bodj” Dy …