Wednesday , July 6 2022
drugs pot session arrest

Mangingisdang drug user tinutugaygayan 5 huli sa pot session

PATULOY na minamanmanan ng pulisya ang kilos ng ilang mangingisda sa lalawigan ng Bulacan matapos maaresto ang lima sa kanila habang nasa kasagsagan ang pot session sa bayan ng Hagonoy, nitong Linggo, 5 Hunyo.

Sa ulat mula kay P/Col. Cabradilla, acting Bulacan PPO director, kinilala ang mga naarestong sina John Emmanuel Dela Cruz, Romualdo De Leon, Eduardo Baltazar, Randy Espiritu, at Manuel Dela Cruz, pawang mangingisda at mga residente ng Brgy. Mercado, sa nabanggit na bayan.

Ayon kay P/Maj. Neil Cruzado, acting chief of police ng Hagonoy MPS, unang nagbenta si Dela Cruz ng shabu sa isang nakatransaksiyon na police poseur buyer sa halagang P500 sa kaniyang bahay.

Nang magpositibo, agad nagkasa ng operasyon ang mga operatiba sa bahay ni Dela Cruz kung saan nahuli nila sa akto ang mga suspek habang nasa kasagsagan ang pot session.   

Dito napag-alaman na ang bahay ni Dela Cruz ay ginagawang drug den at dito muna bumabatak ng shabu ang mga mangingisda bago pumalaot sa dagat.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang dalawang pakete ng plastic ng hinihinalang shabu na may timbang na 26.1 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P177,448; mga paraphernalia; at buybust money.

Nakapiit na sa Hagonoy MPS Jail ang mga suspek na pawang nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs of 2002. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Malacañan

Family affair sa Palasyo
PARTY NG FIRST FAMILY ‘DI PERA NG GOBYERNO

WALANG gagamiting pondo ng bayan sa anomang party na idaraos ng First Family sa Malacañang, …

Bongbong Marcos BBM Imee Marcos

Sa pag-veto sa HB 7575
IMEE DESMAYADO
Pinagsasabong kaming magkapatid

ITO ang reaksiyon ni Senadora Imee Marcos matapos i-veto ng ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

Bulacan Airport Special Economic Zone

Konstruksiyon ng airport sa Bulacan tuloy — Salceda

SA KABILA ng pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa House Bill 7575, tiniyak ni …

Ramon Zagala PSG Bongbong Marcos BBM

Non-PMAyer, DLSU PolSci graduate
UNANG PSG COMMANDER ITINALAGA NI MARCOS, JR

HINDI graduate ng Philippine Military Academy (PMA), sa halip ay sa De La Salle University …