Tuesday , June 24 2025
Markki Stroem Khalid Ruiz

Markki Stroem pinaglabanan ang ADHD, nagka-trauma sa mental health condition

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAIBAHAGI ni Markki Stroem sa digital media conference ng  Love at the End of the World na nagka-trauma siya dulot ng kanyang personality disorder.

Kasabay nito ang pagkakaroon din niya ng Attention Deficit Hyperactivity Disorder o ADHD pero naging positibo ang pananaw niya rito sa halip na maging hadlang sa kanyang trabaho o interes. Ginawa niyang productive ang sarili tulad ng kabia-kabilang pagtatrabaho.

Na-trauma rin kasi ako dati, and after so many years of experience, it has become so much easier now to memorize things.

“I’ve only realized this recently when I did ‘All-Out Sundays’ (weekly variety show ng GMA). I had to do musical on the spot so kailangan aralin ‘yung mga song, ‘yung steps, ‘yung scenes in one day.

“Three episodes ‘yun, and noong nagawa ko ‘yun, sabi ko, ‘Parang kaya ko ito. Parang kaya ko ito in the long run na gawin.’ Kaya ko uling gumanap sa teleserye. Kaya kong bumalik sa movies. At the end of the day, ADHD became my super power.

“My ADHD was such a detriment sa akin dati. Nahirapan talaga akong mag-memorize ng lines, mag-focus.

“Pero dahil love ko ang ginagawa ko nalabanan ko. Siguro dapat ganito rin ang iba especially sa lahat ng mga ADHD people who were suffering, people in the spectrum who have the problem of lack of focus, it’s something that you can train on a regular basis,” mahabang paliwanag ni Markki.

“Sometimes you see ADHD as something that would be a detriment to you but if you look at some of your downfalls and some of your strengths, you can use it to your advantage,” sabi pa ni Markki.

Ito ang dahilan ani Markki kaya hindi nagtatagal ang pakikipagrelasyon niya.“Disadvantages of ADHD is mahirap mag-focus. Palagi akong naglalakad back and forth. Parang iniisip ng mga tao, bakit ko ginagawa ‘yun?

Nahihirapan din akong magkaroon ng long-term and long lasting inter-personal relationships, minsan if I get pushed against the wall. It’s part of the spectrum, the autism spectrum, and some I learned from watching a series recently.

Trying to deal with people is harder for me,” pag-amin pa ni Markki dahil mabilis daw siyang sumabog.

Ang positive traits of having ADHD, obviously, is kaya kong gawin lahat from morning to evening!” sambit pa ng aktor.

Samantala, ang Love at the End of the World na pinagbibidahan ni Markki ay isang Boys Love erotic suspense drama series na tatalakay sa apat na magdyowa habang naglalakbay sila sa love, pain, loss, romance, forgiveness, redemption, loneliness, at sorrow.

Kasama ni Markki rito Khalid Ruiz, Kristof Garcia, Rex Lantano, Elijah Filamor, at Yam Mercado. Idinirehe ito ni Shandii Bacolod at napoanood na ngayon sa VivaMax Plus.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Arci Muñoz

Arci spotted kasama raw ng isang vice mayor sa Dubai

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAKALOKA rin ang latest tsismis ngayon kay Arci Munoz. Matapos kasing pag-usapan …

DusBi AzVer PBB AZ Martinez River Joseph Dustin Yu Bianca de Vera

DusBi at AzVer pukpukan, sobrang pinag-uusapan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA papalapit namang pagtatapos ng PBB Celebrity Collab, mukhang magtatagumpay nga ang …

Marian Rivera

Marian ninenega, mga lumang issue ibinabalik

PUSH NA’YANni Ambet Nabus DAHIL sunod-sunod ngayon ang paglabas ng mga “nega,”  sobrang lumang isyu na …

Viva One Vivarkada The Ultimate Fancon and Grand Concert

Viva One Vivarkada magsasama-sama sa isang malaking concert

I-FLEXni Jun Nardo TAGUMPAY  ang naganap na OST Concert: Mutya ng Section E sa New Frontier Theater …

Mikee Quintos Architecture UST University of Santo Tomas

 Mikee ipinagmalaki pagtatapos ng Architecture sa UST

I-FLEXni Jun Nardo NAKATAPOS  na sa wakas ang Sparkle artist na si Mikee Quintos sa kursong Architecture sa University …