Thursday , March 30 2023
arrest, posas, fingerprints

Sa Mabalacat City, Pampanga…
MONTE DEN SINALAKAY, 4 NA ILIGALISTA TIKLO

SINALAKAY ng mga awtoridad ang isang monte den sa lungsod ng  Mabalacat, sa lalawigan ng Pampanga na nagresulta sa pagkakadakip ng apat na kataong naaktuhan habang nagsusugal nitong Linggo, 29 Mayo.

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng Mabalacat CPS kay P/Col. Alvin Consolacion, acting police director ng Pampanga PPO, nagsagawa ang mga elemento ng Mabalacat CPS ng anti-illegal gambling operation sa bahagi ng 5th St., Brgy. Dapdap, sa nabanggit na lungsod.

Nadakip sa operasyon ang mga suspek na kinilalang sina Eddie Gutierrez, 35 anyos, tumatayong facilitator; Antonio Manalastas, 63 anyos; Flordeliza Tamondong, 43 anyos; at Aiza dela Rosa, 34 anyos, pawang mananaya at mga residente ng 5th St., Bunkhouse Resettlement, sa naturang lugar.

Naaktuhan ang mga suspek sa illegal card game na ‘Monte’ at narekober bilang ebidensiya sa kanila ang halagang P2,431, isang set ng baraha, at isang mesa.

Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Mabalacat CPS ang mga naarestong suspek habang inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanila sa Mabalacat City Prosecutor’s Office. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …