Tuesday , June 24 2025
Bulacan Police PNP

Sa ika-3 araw ng SACLEO…
51 LAW VIOLATORS SA BULACAN PINAGDADAKMA

Sa pagpapatuloy ng ikatlong araw ng pinaigting na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Bulacan PPO, sunod-sunod na nadakip ang 51 kataong pawang may mga paglabag sa batas sa iba’t ibang lugar sa lalawigan hanggang Huwebes ng umaga, 26 Mayo.

Sa ulat kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PNP, naaresto ang 25 suspek sa iba’t ibang buybust operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng mga police stations ng Balagtas, Baliwag, Bocaue, Bulacan, Bustos, Marilao, Meycauayan, Obando, Plaridel, Pulilan, San Ildefonso, San Jose del Monte, San Miguel at Sta. Maria.

Narekober sa isinagawang operasyon ang kabuuang 75 pakete ng hinihinalang shabu, pitong pakete ng tuyong dahon ng marijuana, at  buybust money na ginamit na pain ng poseur buyer.

Samantala, nasakote sa isinagawang anti-illegal gambling operations ng mga operatiba ng Pulilan MPS, 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ang 14 kataong naaktuhan sa pagsusugal ng tong-its at pusoy.

Nakumpiska mula sa kanila ang isang set ng baraha, mesa, mga upuan na gamit sa pagsusugal, at perang taya sa iba’t ibang denominasyon.

Nadakip din sa Brgy. San Nicolas, Hagonoy, ng mga element ng Hagonoy MPS ang suspek na kinilalang si Oliver Salamat sa bias ng search warrant kung saan nasamsaman ng isang cal .9mm Norinco, isang magasin para sa cal .9mm, at walong pirasong bala.

Sa inilatag ding manhunt operations, nasukol ang 11 kataong pinaghahanap ng batas ng tracker teams ng mga police stations ng Hagonoy, Meycauayan, San Ildefonso, San Jose del Monte, Bustos, Doña Remedios Trinidad, at San Rafael, at mga tauhan ng 1st at 2nd PMFC, Bulacan PHPT, 301st RMFB3, at 3rd SOU Maritime Group.

Kinilala ang isa sa mga suspek na si Rolando Camangon, Most Wanted Person ng Hagonoy MPS, na inaresto sa kasong Lasciviousness Conduct sa ilalim ng Sec 5 (b) ng RA 7610 (Child Abuse Law), samantalang ang 10 pang wanted persons ay dinakip sa mga krimeng RIR Physical Injury & Damage to Property; paglabag sa RA 7610; Direct Assault Upon an Agent of a Person in Authority; Qualified Trespass to Dwelling; Attempted Homicide; Estafa; paglabag sa BP 22 (Bouncing Check Law); Unjust Vexation; Rape at Theft. (Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Rogelio Pojie Peñones Jose Melencio Nartatez Jr JEAN S FAJARDO

PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, bagong regional director ng PRO3

Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga-Pinangunahan ni Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez …

Anthony Banayad Granada

Pagkamatay ng missing DLSU law student iniimbestigahan

MASUSING iniimbestigahan ng mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) ang pagkamatay ng naunang iniulat …

Fuel Oil

Sa banta ng oil price hike kaugnay ng tensiyon sa Israel vs Gaza at Iran  
Walang delay na fuel subsidy sa PUV drivers ipinatitiyak ni Tulfo sa DOTr at LTFRB

NAGPAHAYAG si committee on public services chairman Senador Raffy Tulfo ng kanyang full support sa …

LPG Explosion

Warehouse ng gasolina sumabog 3 laborer sugatan sa Tondo

SUGATAN ang tatlong construction worker matapos ang insidente ng pagsabog sa loob ng isang warehouse …

Nicolas Torre III Rendon Labador PNP

Fitness instructor itinanggi ng PNP

WALANG kinukuha o pinahintulutan na maging fitness instructor para sa mga physical fitness program ang …