Friday , June 2 2023
Bulacan PNP Rommel Ochave SAF 44

Kabayanihan ng SAF 44 ginunita sa Bulacan

NAGBIGAY-PUGAY ang Bulacan PNP sa kabayanihan ng 44 Special Action Force (SAF) troopers na isinakrapisyo ang kanilang buhay pitong taon na ang nakararaan sa kalunos-lunos na trahedya na naganap sa Maguindanao noong 25 Enero 2015. Ang mga napaslang na 44 SAF commandos ay binigyang parangal sa isang seremonya na paglalatag ng korona sa Camp General Alejo S. Santos, lungsod ng Malolos, Bulacan, na pinangunahan ng Top Cop ng Bulacan na si P/Col. Rommel J. Ochave. Ang paggunita ay batay sa Proclamation No. 164 ni Pangulong Rodrigo Duterte, nagdedeklara na tuwing 25 Enero ay National Day of Remembrance bilang parangal sa kabayanihan ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) na nasawi sa pakikipaglaban sa mga rebeldeng Muslim sa operasyon na ang target ay ang Malaysian bomb-maker na si Zulkifli Abdhir, kilala rin sa alyas na Marwan. Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni P/Col Ochave, “The sacrifices of our young and brave 44 fallen SAF warriors were not in vain. Their bravery and ultimate sacrifices contributed to the country’s peace and order, which it now enjoys. Their tremendous sacrifice will always be remembered.”
Si PO3 Junrel Kibete ng San Jose Del Monte City, Bulacan, ay kabilang sa SAF 44 troopers na nasawi at inialay niya ang kanyang sarili upang mailigtas ang buhay ng iba at makalaya sa banta ng terorismo. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …