Saturday , June 10 2023
fire sunog bombero

Sunog sumiklab
50 KABAHAYAN NATUPOK SA STA. MARIA, BULACAN

NAABO ang halos 50 kabahayan sa bayan ng Sta.Maria, sa lalawigan ng Bulacan, matapos sumiklab ang malaking sunog, nitong Miyerkoles ng hapon, 19 Enero.

Naganap ang insidente ng sunog sa Sitio Tabing Ilog Villarica, Brgy.  Poblacion, sa naturang bayan.

Sa panimulang imbestigasyon ng mga tauhan ng Sta. Maria Bureau of Fire Protection at batay sa pahayag ng ilang testigo, nagsimula ang sunog sa isang bahay kung saan may mga batang naglalaro ng apoy at biglang nasilaban ang nakatabing na kurtina.

Naitalang nagsimula ang sunog dakong -3:00 pm, na mabilis na kumalat sa mga katabing bahay dahil sa malakas na bugso ng hangin.

Nagtulong-tulong ang mga bombero mula sa mga kalapit na bayan hanggang ganap na maapula ang apoy bago mag-7:00 pm.

Sa taya ng local government unit, may 67 pamilya ang naging biktima ng sunog  o kabuuang 300 residente na ngayon ay pansamantalang nanunuluyan sa mga itinayong tent.

Kasalukuyan pang inaalaman ng Sta. Maria Bureau of Fire Protection ang halaga ng naging pinsala sa naturang sunog. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Philippines money

Maharlika Investment Fund bill pinare-recall ni Pimentel

HINILING ni Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang pag-recall sa Maharlika Investment …

Madugong madaling araw na aksidente sa Bulacan TRUCK VS SUV 5 PATAY 2 SUGATAN

Madugong madaling araw na aksidente sa Bulacan
TRUCK VS SUV 5 PATAY 2 SUGATAN

Lima ang patay samantalang dalawa ang sugatan nang suruin ng isang truck ang isang sports …

Alan Peter Cayetano

Sa usaping e-governance
GOBYERNO, TAGALUTAS NG PROBLEMA — CAYETANO

DAPAT  maging tagalutas ng problema ang gobyerno. Ito ang paalala ni Senador Alan Peter “Compañero” Cayetano …

Money Bagman

Pinal na kopya ng Maharlika Investnment Fund Bill isusumite ngayong Linggo sa Palasyo

NAIS ng Senado na maisumite sa palasyo ng Malakanyang ngayong linggo ang Maharlika Investment Fund (MIF) Bill. Ayon …

Risa Hontiveros LGBTQ+ Rainbow

Senator Risa dismayado
SOGIE EQUALITY BILL PARA SA LGBTQ+ HINDI PRAYORIDAD NG SENADO

BINATIKOS ni Senador Risa Hontiveros ang naging pahayag ni Senate Majority Floor Leader Joel Villanueva na …