MATAPOS ang mahabang panahong pagtatago sa batas, tuluyan nang naaresto ang isang babaeng kabilang sa listahan ng top most wanted person sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 26 Abril.
Ayon sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang nadakip na suspek na Marilou Jimenez, 52 anyos, may asawa, at residente sa Brgy. Panghulo, sa bayan ng Obando, sa nabanggit na lalawigan.
Nasakote si Jimenez ng magkakasanib na puwersa ng RIU3, Obando MPS, Guiguinto MPS, at Meycauayan CPS sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 na nakapaloob sa Criminal Case No. 4481-M-2020, walang itinakdang piyansa; at Criminial Case No. 4482-m-2020, may inirekomendang piyansang P200,000 na nilagdaan ni Judge Hermenegildo Dumlao II, ng Malolos City RTC Branch 81.
Pahayag ni Cajipe, resulta ang pagkaaresto sa akusado ng walang humpay na pagkilos ng pulisya sa Bulacan upang matiyak na lahat ng may paglabag sa batas ay maikulong sa ‘selda ng katarungan.’ (MICKA BAUTISTA)
Check Also
Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod
MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …
Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO
IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo …
Alice Guo feeling artista
Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …
Sa Bacolod
Lalaki nang-hostage ng sariling pamilya, sinakote ng pulisya
ARESTADO ang isang 38-anyos lalaki matapos bihagin ang kaniyang sariling pamilya sa bahay ng kaniyang …
SSS nangakong magbibigay ng social security protection sa mga barangay official
ITINULAK ni Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet ang pagiging …