Tuesday , October 3 2023
shabu drugs dead

Pusher na taya-buhay sa pagtutulak patay sa shootout

Patay ang isang hinihinalang tulak na mas ginusto pang itaya ang buhay kaysa sumuko nang makipagbarilan sa mga pulis na aaresto sana sa kanya sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkules, 10 Pebrero.

Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang suspek na si Danilo Reloks alyas Apang, residente ng Ilocano Compound, Bgy. Sta. Rosa 2, sa nabanggit na bayan, na kumagat muna sa inilatag na buybust operation ng mga operatiba dakong 12:30 ng madaling araw kamaka­lawa.

Matapos ang transak­siyon sa droga, nakatunog si alyas Apang sa presen­siya ng mga awtoridad sa paligid ngunit sa halip na sumuko ay bumunot ng baril at pinaputukan ang mga ito.

Dito na napilitang gumanti ang mga operati­ba at sa ilang minutong palitan ng putok ay nasapol si alyas Apang na kanyang ikinasawi sa lugar ng engkuwentro.

Narekober sa napatay na suspek ang 12 selyadong plastic sachet ng hinihinalang shabu, kalibre .22 na rebolber, mga bala, drug paraphernalia, at buybust money.

 (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

SM 65 1 Feat

Experience Super-Sized Fun at SM’s 65th Anniversary this October

It’s October and it only means one thing at SM Super-Month! Suit up for some …

JUMPER BOY SA R-10 TONDO

Perwisyo sa mga trak atbp motorista JUMPER BOY SA R-10 TONDO KALABOSO!

HIMAS-REHAS ang isang 23-anyos “Jumper Boy” na siya rin nag-viral kamakailan nang akyatin at pilit …

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *