Saturday , November 2 2024

Tulak ng ‘bato’ sa Bulacan nagbebenta na rin ng damo

PININIWALAAN ng pulisya na dahil sa hirap at higpit ng pagbibiyahe ng shabu ngayong pandemya, ilang tulak sa Bulacan ang luminya sa pagbebenta ng marijuana sa drug users.

Sa sunod-sunod na drug operations ng Bulacan police, karamihan sa mga nahuli ay marijuana ang ibinibenta.

Sa ulat na isinumite kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, 24 drug suspects ang natiklo sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations ng Station Drug Enforcement Unit ng mga municipal at city police stations ng Balagtas, Meycauayan, Norzagaray, San Jose del Monte, Malo­los, Guiguinto, Sta.Maria at Baliwag.

Nasamam ang may kabuuang 39 selyadong plastic sachets ng shabu ng mga awtoridad kasama ang mga pinatuyong dahon ng marijuana mula sa mga nadakip na suspek.

Upang makalusot sa mga quarantine checkpoints, itinatago ng mga tulak ang marijuana sa baby diaper o sa mga nakatiklop na folded paper.

Kasalakuyang mina­man­manan ng mga awtoridad kung saan hina­hango ng mga nasakoteng drug suspects ang mga pinatuyong dahon ng marijuana. (M. B.)

About Micka Bautista

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *