Wednesday , September 11 2024

Ejay Falcon, na-challenge sa pagiging utal at superhero

082915 ejay falcon

00 SHOWBIZ ms mUUTAL-UTAL daw ang character na ginagampanan ni Ejay Falcon sa fantasy-drama anthology ng ABS-CBN na Wansapanataym, ang I Heart Kuryente Kid na magsisimula na sa Linggo (Agosto 30). Kaya naman sobrang na-challenge sa character na si Tonio si Ejay.

“Ito ang pinaka-challenging na ginagawa ko ngayon pero ayos naman. Ngayon din ang panahon na sobrang busy ako sa buong career ko,” panimula ng actor nang makausap namin ito sa presscon ng Wansapanataym na ginawa sa The Clean Plate, Trinoma noong Huwebes ng hapon.

Kapansin-pansin ang medyo pagod na mukha o malamlam na mata ni Ejay dahil kagagaling pa lang nito sa taping ng Pasion de Amor at halatang wala pang pahinga at tulog. “Ginagawa ko pa rin ang ‘Pasion’ kaya medyo malat-malat na ako. Medyo mahirap siyang gawin kasi parang tatlong characters ang ipino-portray ko ngayon ng sabay-sabay. ‘Yung normal na si Tonio sa ‘Wansapanataym’, tapos ‘yung super hero, tapos tatawid ako sa ‘Pasion’ bilang si Oscar. Kaya sa tatlong characters na ginagawa ko medyo mahirap. Minsan sa set na ako naliligo,” kuwento ng actor.

Nakakadagdag pa ang minsang pagge-guest nila sa ASAP. “Hindi na po nag-a-ASAP pero minsan ‘pag kailangan ng promo ng ‘Pasion’ kailangang pasayawin ang tatlong seksing lalaki kami po ‘yun.”

Sa Wansapanataym, ginagampanan ni Ejay si Tonio, ang lalaking may speech problem pero kapag naging super hero na ay nawawala. “Ganoon siyang tao pero nang tinamaan siya ng kidlat nag-transform bilang superhero. Ang power niya ay koryente. Koryente na lumalabas sa kamay niya. Isang beses siyang tinamaan ng kidlat na hindi nawala ang kuryente sa katawan niya. Lumalabas lang iyon ‘pag may mga emosyon na dumarating sa akin tulad ng masayang-masaya, o ‘pag galit automatic na lumalabas. Pero ‘pag hindi, ‘yung normal na emosyon lang, hindi ko kayang palabasin”

First time magsasama nina Ejay at Alex Gonzaga sa isang serye kaya, “Natutuwa ako dahil bukod sa first time naming magkasama ni Alex sa isang proyekto, maraming bata ang mapapasaya namin dahil sa kuwento ng ‘I Heart Kuryente Kid.’ Dream-come-true ito para sa akin, dahil pangarap ko talaga na gumanap bilang isang superhero,” sambit pa ni Ejay.

Sinabi pa ni Ejay na masayang kasama si Alex dahil madaldal ito at nagbibigay ng ingay sa set. “Kasi kung tahimik din siya baka sumabog na kami roon eh ako tahimik na ‘di ba. Minsan may mga pangyayari na aantok-antok ako dahil naroon si Alex nawawala kasi ang dami niyang kuwento. Parang lahat sa iyo tatanungin.”

Makakasama rin nina Alex at Ejay sa Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid sina Miguel Vergara, Malou Crisologo, Fourth Solomon, at Tirso Cruz III. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Philip King, at idinirhe ni Andoy Ranay.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Paolo Contis Dear Santa

Paolo Contis nalungkot sa desisyon ng MTRCB, Dear Santa ‘di na maipalalabas

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio DISAPPOINTED si Paolo Contis sa pinal na desisyon ng Movie and Television Review …

Mike Magat

Mike Magat gustong maidirehe si Coco

RATED Rni Rommel Gonzales FULL TIME na sa pagiging direktor ang aktor na si Mike …

Ken Chan

Ken Chan nabulabog ipinanghihingi ng pera

MA at PAni Rommel Placente NANANAWAGAN si Ken Chan sa publiko para bigyan ng babala tungkol sa …

Ariel Rivera

Ariel Rivera ‘ginamit’ sa modus, nanghingi ng pera sa mga kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account, ibinandera ni Ariel Rivera ang screenshot ng isang Facebookaccount na kapareho …

Derek Ramsay Ellen Adarna

Derek masaya sa kompletong pamilya kasama si Ellen

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ng radio host na si Morly Alino, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *