Tuesday , May 21 2024

Masonry Layout

Recall vs Alvarado malabo — Bulacan LMPL

MALOLOS CITY-Malabo at hindi mananaig  na tila isang ‘suntok sa buwan’ ang isinusulong na recall election laban kay Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado makaraang magpahayag ng suporta ang may 80 porsiyentong miyembro ng League of Municipalities of the Philippines Bulacan Chapter para sa kasalukuyang gobernador upang hindi maisulong ang protesta. Ayon kay Pandi Mayor Enrico A. Roque, pangulo ng Bulacan-LMP, todo …

Read More »

90,000 PCOS ibebenta ng Comelec (Kahit may nakabinbing election protests)

SA tambol mayor na lang maghahabol ang mga kandidatong may nakabinbing electoral protest kapag natuloy ang plano ng Commission on Elections (Comelec) na ipagbili ang 90,000 precinct count optical scan (PCOS) machines na ginamit sa nakalipas na dalawang automated elections sa bansa. Sa compact flash card na nasa PCOS machine nakalagay ang detalye ng naging boto ng bawat kandidato at …

Read More »

Senglot nawalan ng tsinelas binti’t paa ng kapitbahay kinatay

ISANG 32-anyos lalaking lasing ang nakapiit at nahaharap sa kasong  frustrated murder matapos niyang katayin ang paa at binti ng isang kapitbahay na pinagbibintangan niyang nagnakaw ng kanyang tsinelas sa Malabon City,  kamakalawa ng gabi. Hanggang sa loob ng himpilan ng pulisya ay hinahanap ng suspek na si Pablo Candido ang kanyang nawawalang tsinelas, matapos maaresto nang pagtatagain ang paa …

Read More »

Mar Roxas-Kris Aquino manok ng Palasyo (Ilalaban sa Jojo Binay-Vilma Santos sa 2016)

HINDI itinanggi Malacanang ang posibilidad na ang tambalang Mar Roxas-Kris Aquino ang makasasagupa ng Jojo Binay-Vilma Santos tandem sa 2016 elections. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, abala sa kanyang trabaho bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Roxas  at nabalitaan lang ng Palasyo ang paglutang ng Roxas-Aquino sa 2016 sa pitak na lumabas sa isang …

Read More »

Pagbuwag sa 19 GOCCs OK sa Palasyo

SUPORTADO ng Malacañang ang panukala ng ilang mambabatas na buwagin na ang 19 government-owned and controlled corporations (GOCCs) na non-performing assets at nagamit pa sa pagda-divert ng pork barrel sa pekeng non-government organizations (NGOs) ni Janet Lim-Napoles. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kasalukuyang sinusuri ng Governance Commission for GOCC (GCG) ang trabaho ng mga ito kung nararapat nang buwagin. …

Read More »

Disenyo ng Skyway babaguhin

Kasunod ng paniba-gong insidente ng pagkahulog ng sasakyan sa Skyway, ipinasisiyasat ng mga awtoridad ang di-senyo ng tollway. Aminado si Julius Corpuz, tagapagsalita ng Toll Regulatory Board (TRB) na “very alarming” na ang apat na beses nang pagkahulog ng sasakyan mula Skyway. Sa pinakahuling insidente, dalawa ang nasu-gatan sa pagkahulog ng shuttle bus ng Skyway sa bahagi ng Sun Valley-Bicutan …

Read More »

3 paslit nalitson sa sunog (Panganay nakaligtas)

SAN FERNANDO CITY, La Union – Namatay ang tatlong batang magkakapatid nang masunog ang kanilang bahay sa Brgy. Pulipol, bayan ng San Gabriel, La Union kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga namatay na sina Mae Joy, 7; Shiena Grace, 4; at Melan Khal Gacayan, 3, ng  nabanggit na lugar. Ayon kay kay Senior Insp. Gerardo Soriano, hepe ng San Gabriel …

Read More »

Lifestyle check inisnab ni Jinggoy

HINDI pinatulan ni Senador Jinggoy Estrada ang hamon sa kanila ng testigong si Dennis Cunanan na magpa-lifestyle check gaya ng kanyang pagpayag na sumailalim dito at pagbusisi sa kanyang bank account. Ayon sa senador, hindi mahalaga na isalang sila sa lifestyle check dahil sa umpisa pa lang ng kaso ay inimbestigahan na ang kanilang bank accounts ng Anti-Money Laundering Council …

Read More »

2 todas sa bus vs trike

NAGSALPUKAN ang pampasaherong bus at tricycle na nagresulta sa kamatayan ng dalawang pasahero sa national highway, Brgy. Camiling, Balaoan, La Union. Namatay bago idating sa pagamutan ang mga biktimang sina Melchor Ferrer at Marcus Cariaso, kapwa residente ng Callautit, Bacnotan, La Union. Ang mga biktima kapwa lulan ng tricycle. Sa ulat ng pulisya, nagbanggaan ang Partas Bus na minamaneho ni …

Read More »

4,000 Certified TESDA female workers kailangan sa Dubai

NANGANGAILANGAN ng 4,000 Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) certified female workers ang Dubai. Ito ang inihayag ni TESDA Dir. Gen. Joel Villanueva, at sinabing galing sa Placewell International Services ang 4,200 job offers para sa mga kababaihang TESDA certified. Kabilang sa mga specialization na hinahanap sa Dubai ay ang electrical installation and maintenance, plumbing, refrigeration and air conditioning. …

Read More »

Totoy binoga ng adik na tatay saka nagpakamatay

BINARIL sa ulo ng dating driver ni Liloan Mayor Duke Frasco, ang paslit na anak at pagkatapos ay nagbaril din sa kanyang sarili sa Liloan, Cebu. Natapuang duguan at may tama ng punglo sa ulo ang mag-amang sina Fritz Villamor at si James, 5-anyos, sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. San Vicente, Liloan. Ang bangkay ng mag-ama ay nadatnan …

Read More »

DQ kay Erap resolbahin na (Giit sa Korte Suprema)

KAILANGAN ilabas na ng Korte Supema ang desisyon sa disqualification case laban kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada upang lubos na maipatupad ang mga repormang magpapaunlad sa lungsod. Ito ang panawagan sa Kataas-taasang Hukuman ng mga opisyal ng barangay at grupong sumusuporta kay Estrada. Naniniwala silang tanging ang pasya ng Korte Suprema sa disqualification case laban kay Estrada ang magbubura …

Read More »

Lolo’t lola natagpuang patay sa banyo

TADTAD ng pasa sa katawan at duguan ang mag-asawang matanda nang matagpuan ng kanilang 14-anyos apo sa loob ng banyo sa Mabuhay City Subdivision, Brgy. Mamatid, Cabuyao. Cabuyao, Laguna, kahapon ng madaling-araw. Sa report ng pulisya, ayon sa salaysay ng apo na hindi na pinangalanan, nagising siya sa lakas ng tulo ng tubig sa gripo sa banyo kaya tiningnan niya …

Read More »

7 paslit, 12 pa patay sa bumaliktad na jeep

PITONG bata at 12 iba pa ang namatay nang bumaliktad ang sinasakyan nilang jeep habang nakikipaglibing sa Brgy. Culian, Zamboanga. Ayon sa driver na si Al-Muktar Hama, papunta sila sa sementeryo para makipaglibing nang mawalan ng kontrol ang minamaneho niyang jeep at nagpagewang-gewang hanggang bumaliktad na nagresulta sa pagkamatay ng 19 sakay nito. Karamihan sa sakay na mga pasahero ay …

Read More »

Cardinal Quevedo nag-resign

MAGHAHAIN  ng resignation kay Pope Francis   ang bagong talagang  Cardinal Orlando Quevedo bilang Arsobispo ng Cotabato. Ayon kay Cardinal Quevedo, ang pagsapit niya sa mandatory age ng pagreretiro sa Marso 11, ang kanyang ika-75 kaarawan ang dahilan ng kanyang pagreretiro. Sinabi ng Arsobispo,  nakasaad sa  Code of Canon Law, na ang mga Obispo ng Simbahang Katolika ay kailangan maghain ng …

Read More »

Sisihan sa Mindanao blackout itigil na – Palasyo

TIGILAN na ang sisihan at magtulungan na lang sa paghahanap ng solusyon sa power shortage sa Mindanao. Ito ang panawagan ng Palasyo kahapon sa Department of Energy (DoE) at National Power Corporation (Napocor) na nagtuturuan kung sino ang dapat managot sa naganap na Mindanao blackout kamakailan. “Hindi po ito ang panahon para magsisihan. Ang kailangan po ay iyong pagtutulungan para …

Read More »

33 patay, 143 sugatan sa terror attack sa Tsina

UMABOT na sa 33 katao ang patay sa panghahalihaw ng saksak ng mga suspek  sa tinaguriang “violent terrorist attack” sa isang estasyon ng tren sa Kunming, China. Sa ulat ng state news agency Xinhua, nasa 143 katao  ang nasugatan sa nasabing pag-atake ng hinihinalang kasapi ng mga tumutuligsa sa pamahalaan. Sa ulat ng Xinhua: “It was an organized, premeditated violent …

Read More »

Batas sa money ban sa eleksyon giit ng Comelec

SA layuning mapigilan ang vote-buying, hiniling ng Comelec sa mga mambabatas na magpasa ng panukalang batas na magpapatupad ng money ban sa specific period bago ang araw ng eleksyon. “It is a measure that intends to curb the practice of vote-buying by prohibiting the unjustifiable withdrawal of certain sums of money or the actual possession of certain amounts of cash …

Read More »

Misis ‘sinakyan’ ng 2 jeepney driver

LUCENA CITY – Halinhinang ginahasa ng dalawang jeepney driver ang 34-anyos ginang kamakalawa sa Brgy. Domoit sa lungsod na ito. Itinago ang biktima sa pangalang Malou, residente ng Brgy. Poblacion, Unisan, Quezon. Mabilis na nakatakas ang mga suspek na kinilala sa alyas na Paeng at Barok, kapwa jeepney driver na may rutang Lucena Bayan, at pumipila sa Grand Terminal ng …

Read More »

Ininsultong bingot bunso pinatay ni kuya

BUTUAN CITY – Patay ang isang lalaki matapos hatawin ng tubo sa ulo ng kanyang nakatatandang kapatid kahapon ng madaling-araw. Ayon kay Inspector Victor Preciouso ng Butuan City Police Station, nangyari ang insidente dakong 12:45 a.m. kahapon sa Purok 3, Brgy. Salvacion, Butuan City. Base sa imbestigasyon, nag-inoman ang magkapatid at bunsod ng kalasingan, ininsulto ng biktimang si Romy Panilaga, …

Read More »

Mini bus nag-dayb sa skyway

Isang mini bus ang nahulog sa Skyway southbound, dakong 5:17 Linggo ng madaling araw. Sa panayam kay Gen. Louie Maralit, hepe ng Skyway Management and Security Division, nahulog ang mini bus galing sa elevated portion ng Skyway sa tapat ng Sun Valley, Bicutan. Ang minibus ay ang shuttle bus gamit ng Skyway na panghatid sa mga empleyado at teller ng …

Read More »

5 araw ultimatum sa Meralco (February bill ipaliwanag)

LIMANG araw na ultimatum ang ibinigay ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Manila Electric Company (Meralco) para ipaliwanag ang ibinigay nilang billing statement nitong Pebrero. Kinompirma ni Deputy Presidential Spokesman Abigail Valte, limang araw ang ibinibigay ng ERC sa Meralco para magpaliwanag. Una nang binatikos ng mga consumer ang hakbang ng Meralco na nagdulot ng kalituhan. Sinabi ni Valte, batay …

Read More »

Mayor buhay sa ambush patay sa atake sa puso

HINDI napuruhan ng mga nanambang pero hindi rin nakaligtas sa kamatayan ang alkalde ng Maitum, Sarangani Province, nang siya ay atakehin nitong Biyernes ng gabi. Kinompirma ni Sr. Insp. Arnold Montesa ng Maitum PNP, patay na si Mayor George Perrett, matapos ideklara ni Dr. Johnson Wee ng Elizabeth Hospital, General Santos City, dakong 2:50 madaling araw, kahapon. Una rito, nasugatan …

Read More »

Zambo judge todas sa ambush

ZAMBOANGA CITY – Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa pribadong ospital ang isang judge matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek dakong 8 a.m. kahapon, ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay sa Narra Drive, Brgy. Tugbungan sa Zamboanga City. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Judge Renerio Estacio, presiding judge ng Branch 14 ng Regional Trial Court (RTC-9) …

Read More »

Seguridad sa QC justice hall hihigpitan

Pinag-aaralan na ng Quezon City Hall of Justice ang pagpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa bawat korte matapos manakal ng piskal ang isang akusado nitong Huwebes. Matatandaang  nasugatan  sa leeg si Senior Deputy State Prosecutor Richard Fadullon, matapos sakalin ng convicted kidnapper na si Onopre Sura, Jr., sa loob ng korte nang basahan ng sakdal. Walang planong magsampa ng …

Read More »