Wednesday , September 27 2023

Bigtime tulak sa Visayas nakatakas sa parak

CEBU CITY – Nagpalabas na ng direktiba ang direktor ng Police Regional Office (PRO-7) sa Cebu City Intelligence Branch (CIB) na magsagawa ng imbestigasyon sa hinggil sa sinasabing ‘leakage’ na nangyari sa operasyon laban sa tinaguriang pangalawang biggest drug lord sa Central Visayas.

Malaki ang paniniwala ni PRO-7 Director C/Supt. Prudencio Tom Bañas na isang pulis na kabilang sa nasabing operasyon ang nagbigay ng impormasyon sa mga subject ng search warrant na kinabibilangan ni Jeffrey Diaz alyas Jaguar dahilan para hindi na maabutan ng mga operatiba sa kanyang bahay sa Brgy. Duljo Fatima, Lungsod ng Cebu.

Mismong si CIB Chief Supt. Romeo Santander ay duda rin

Dahil itinuring na mataas ang ‘confidentiality’ ng nasabing operasyon.

Samantala, halos P4 milyon halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad mula sa 12 bahay ng anim na subject ng search warrant.

Bagama’t nakatakas ang mailap na drug lord ay positibo pa rin ang direktor na mahuhuli ang suspek.

Sinasabing mahirap ma-entrap si Jaguar dahil puno ng CCTV camera ang kanyang bahay at napalilibutan ng mga iskwater na mistulang “human barrier.”

About Hataw News Team

Check Also

Gun Fire

Ex-CSU ng Malabon namaril ng sekyu

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang security guard matapos barilin ng dating kawani ng Malabon City …

Las Piñas City hall

Medical mission sa Las Piñas City 

ISINAGAWA ng Las Piñas local government unit (LGU) ang libreng serbisyong medikal. Kahapon nagsagawa ang …

nbp bilibid

Sa Bilibid, Munti
51 gramo ng shabu nabuking sa dalaw na bebot

HIGIT pang pinaigting ng Bureau of Corrections (BuCor) ang kampanya kontra ilegal na droga at …

Kahit na-hacked
Serbisyo ng PhilHealth tuloy

INIANUNSIYO kahapon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na patuloy pa rin ang kanilang operasyon, …

ltfrb

Bastos na driver,  may kalalagyan — LTFRB

INILUNSAD kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang malawakang kampanya laban sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *