Wednesday , May 29 2024

Van na may bomba sumabog sa Basilan

READ: 11 katao patay, 7 sugatan: Van driver ‘foreign’ suicide bomber

UMABOT sa 11 katao ang patay makaraan su­mabog ang van na may bomba sa military check­point sa Lamitan City, Basilan, nitong Martes.

Ayon sa mga awto­ridad, pinigil ng mga sundalo ang van sa checkpoint malapit sa Magwakit Detachment sa Brgy. Colonia sa Lamitan City, ngunit biglang su­ma­bog nang kakausapin ang driver ng sasakyan.

Ang mga namatay ay isang sundalo, limang militiamen, at apat sibil­yan, kabilang ang isang ginang at kaniyang anak. Habang dinala sa paga­mutan ang pitong nasu­gatan.

Ayon kay Basilan Governor Jim Saliman, nakatanggap siya ng im­pormasyon na ASG ang nasa likod ng pagsabog ngunit hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye.

Sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Colonel Edgard Arevalo, tagapagsalita ng militar, batay sa impor­masyon mula kay Western Mindanao com­mander, Lieutenant General Arnel dela Vega, ang Abu Sayyaf sub-commander na si Furiji Indama ang nasa likod ng insidente.

“They are losing ground kaya ito ang resort na ginagawa nila nga­yon,” sabi ni Arevalo.

“Local police and AFP personnel are not stop­ping their investiga­tion and they are pursuing any leads. We call on our people to be vigilant. We encourage them to notify the PNP and AFP in their locality if they are obser­vation of suspicious looking individuals in their vicinity,” dagdag niya.

Samantala, sinabi ni Lieutenant Colonel Jonas Templo, pinuno ng 74th Infantry Battalion, na posibleng kaso ng suicide bombing ang nangyari dahil kasama sa namatay ang driver ng van.

Gayonman, hinihinala ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Mujiv Hataman, posibleng sadyang pinasabog ng driver ang van dahil ma­da­dakip na siya.

“Hindi pa masabi kung suicide bomber kasi nasita na siya [check­point],” anang go­ber­nador.

Sinabi ni Dela Vega, pa­tuloy ang imbesti­gasyon para matukoy at madakip ang mga nasa likod ng pagsabog.

About Hataw News Team

Check Also

SSS, Bocaue LGU lumagda sa MOA para sa social security coverage ng JO workers

SSS, Bocaue LGU lumagda sa MOA para sa social security coverage ng JO workers

IPINAHAYAG ng Social Security System (SSS) na mahigit 800 job order (JO) na manggagawa sa …

Sa Bulacan 3 TULAK, 1 PUGANTE NASAKOTE NG PNP

Sa Bulacan  
3 TULAK, 1 PUGANTE NASAKOTE NG PNP

Arestado ng Bulacan PNP ang tatlong nangangalakal ng droga at isang pugante sa isinagawang anti-crime …

Quezon Provincial Police Office Lucena

8 intel officer arestado sa palpak na drug raid

CAMP VICENTE LIM, LAGUNA — Walong intelligence officer ang inaresto ng kanilang mga kasamahan sa …

shabu drug arrest

 6 tulak ng droga, timbog sa buybust

BAGSAK sa kulungan ang anim na hinihinalang drug personalities matapos malambat ng pulisya sa magkakahiwalay …

Arrest Caloocan

Wanted sa kasong Murder
MISTER HOYO SA KANKALOO

ARESTADO ang isang mister na wanted sa kaso ng pagpatay sa isinagawang manhunt operation sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *