Friday , December 9 2022

Van driver ‘foreign’ suicide bomber

MAY hinala ang militar, isang foreign suicide bomber ang driver ng van na sumabog sa checkpoint sa Lamitan City, Basilan kahapon na ikinamatay ng 11 katao at ikinasugat ng pitong iba pa.

READ: Van na may bomba sumabog sa Basilan

Sinabi ni National Security Adviser Her­mogenes Esperon, may mga ulat na isang Indone­sian ang tsuper nang sumabog na van ngunit kinokompirma pa ito.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenza­na, ang basehan ng suspetsa na dayuhan ang driver ay hindi maintindi­han ang kanyang mga sa­li­ta sa sundalong kuma­u­sap sa kanya sa check­point bago naganap ang pagsabog.

“The only hint that he maybe an alien was he replied in an unintelligible speech when one of the troops tried to talk to him,” ani Lorenzana sa text message sa Hataw.

Naniniwala si Loren­zana na nasa suicide mission ang driver at ito mismo ang nag-detonate ng bomba sa loob ng van.

Walang dokumen­tong narekober sa van dahil nagkapira-piraso ito pati na ang driver sa tindi ng pagsabog.

“We are not sure if he is a foreigner as he died when the van exploded presumably detonated by the driver himself,” aniya.

“No document was retrieved from the  van and the driver as they were blown to smithereens.  He was obviously on suicide mission,” dagdag niya.

Kinondena ng Palasyo ang pag-atake ng mga terorista sa Basilan na ayon sa AFP ay mga konektado sa Abu Sayyaf Group (ASG).

“We condemn in the strongest possible term the latest terrorist attack in Basilan perpetrated in violation of our laws. We note that even in times of war, the attack constitutes a war crime because it constitutes an indis­criminate attack which is prohibited by Article 4C-1 Attacks on Civilian, by R.A. 9851, IHL Act of 2009,” ayon kay Presi­dential Spokesman Harry Roque sa press briefing kahapon.

Sinabi ni Roque, hi­hin­tayin pa niya ang magiging reaksiyon ni Pangulong Duterte sa madugong insidete.

Aniya, ang pang-eengganyo ni Duterte kamakalawa, sa mga miyembro ng ASG ay upang tulungan lamang ng pamahalaan na mag­balik-loob sa pamahalaan ngunit hindi manga­ngahulugan na iaabsu­welto sila sa mga gina­wang krimen habang aktibo pang kasapi ng ASG.

“Wala naman pong binibigyan ng absolute… ano ba tawag dito, hindi pardon, but the one the predates the commission of the act. And wala pang binibigyan ng amnesty and I don’t think the President is contem­plating amnesty for them. That’s the only way to erase their criminal liability,” ani Roque.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

RDF geocycle Holcim Angono Rizal

Sa Angono, Rizal
BASURA GINAMIT BILANG GASOLINA

KASALUKUYANG gamit ng lokal na pamahalaan ng Angono, sa lalawigan ng Rizal, ang modernong teknolohiya …

road accident

Sa Isabela
2 KAWANI NG DA PATAY SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang dalawang empleyado ng Department of Agriculture – Cordillera nang banggain …

Arrest Posas Handcuff

Rank No. 1 MWP ng Southern Leyte tiklo sa Bulacan

INARESTO ang isang lalaking nakatala bilang Rank no. 1 most wanted person (MWP) ng Southern …

Bocaue Bulacan Fireworks Rodolfo Azurin Daniel Fernando

Bulacan Fireworks capital sa Bocaue ininspeksiyon ng pulisya, Kapitolyo

DALAWANG linggo bago ang holiday season, ang Bulacan provincial government sa pakikipagtulungan ng Philippine National …

Bulacan

Sa ika-22 Gawad Kalasag
“BEYOND COMPLIANT SEAL OF EXCELLENCE” IGINAWAD SA BULACAN

NILAMPASAN ng lalawigan ng Bulacan ang pamantayan para sa pagtatayo at pagresponde ng Local Disaster …

Leave a Reply