Tuesday , May 14 2024
knife saksak

Lalaki pinatay sa harap ng live-in partner

PATAY ang 42-anyos lalaki nang saksakin sa likuran ng hindi kilalang salarin habang naglalaro ng ‘online games’ kasama ang kaniyang live-in partner sa isang internet shop sa  Quezon City nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Rigor Arbela Canlas, 42, may live-in partner, nakatira sa Kasoy St., Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 2:00 am nitong Biyernes, 26 Abril, nang maganap ang pananaksak sa loob ng internet shop na matatagpuan sa Durian St., Area 9, Brgy. Pasong Tamo, sa lungsod.

Batay sa imbestigasyon nina P/Cpl. Aniceto Cebreros at Pat. Raymond Ramos, abala ang biktima at ang kaniyang live-in partner na si Roxanne Marie Bayotas Herold, 39, isang musician, sa paglalaro ng online games sa nasabing internet shop.

Makalipas ang ilang minute, biglang sumigaw ang biktima at tumakbo palabas ng internet shop.

Nagtatakang sinundan ng kaniyang partner ang biktima pero paglabas sa internet shop ay bigla itong duguang bumagsak sa lupa.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima pero binawian ng buhay bandang 3:00 am sa parehong petsa.

Nagsasagawa ng follow-up at backtracking ng mga CCTV ang pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan ng salarin at motibo nito sa ginawang pananaksak.

May hinala na posibleng ang suspek ay isa rin sa mga naglalaro ng online games at maaaring nakaalitan o nakapikunan ng biktima. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Vilma Santos

Ate Vi muling pinatatakbo ng mga taga-Batangas, Ryan hinihikayat din

HATAWANni Ed de Leon TALAGA palang mahigpit ang petisyon ng mga Batangueno kay Ate Vi (Ms …

Las Piñas City Crisis Center for Women and their Children pinasinayaan

Las Piñas City Crisis Center for Women and their Children pinasinayaan

BINUKSAN nitong Miyerkoles, 8 Mayo, ng pamahalaang lungsod ang Las Piñas City Crisis Center for …

Jessica Sese Francisco

HDO inihain ng BI vs ‘estapadorang’ dra.

ISANG babaeng nagpapakilalang doktor ang inilagay sa hold departure order (HDO) ng Bureau of Immigration …

doctor medicine

Akusasayon laban sa Bell-Kenz mahirap patunayan — Herbosa

AMINADO si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa na mahirap patunayan ang alegasyong ‘unethical …

Dead Electricity

SK Chairman sa Negros kumisay sa instalasyon  ng bombilya todas

BINAWIAN ng buhay ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman matapos makoryente sa Brgy. Bandila, sa …