Thursday , May 16 2024
Jerome Ponce Krissha Viaje Aubrey Caraan Keann Johnson Hyacinth Callado Gab Lagman

KrissRome masaya sa kanilang ‘special’ friendship

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN noon ni Jerome Ponce na more than friends na sila ni Krissha Viaje. Na kitang-kita namin sa media conference ng bago nilang project sa Viva Entertainment, ang six-part horror series na Sem Break.

Mapapanood ito sa VIVA One simula noong May 10, kasama ang dalawa pang pambatong tambalan ng Viva Artists Agency (VAA) na sina Aubrey Caraan at Keann Johnson, at Hyacinth Callado at Gab Lagman.

Ano lang, may mga bagay na nadadala minsan sa set. Madaldal talaga akong tao, pero medyo kumakalma ako. Natutuhan ko ‘yon,” ani Jerome nang matanong sa kanila ang tungkol sa espesyal nilang pagtitinginan ngayon. 

Sinabi pa ng aktor na mahigit pa sa magkaibigan ang turingan nila ngayon.

At kapag may tampuhan sila ni Krissha, sinabi ni Jerome na siya ang unang nagso-sorry. 

Siyempre, lalaki. Tayo ang lalaki, eh,” anito.

Girl is always right. ‘Yun ang dapat. Kasi, kung ayaw mong mawala ang isang tao, mali man o hindi, kailangang tanggapin mo,” sabi pa ng binata.

“Sobrang masaya kami kasi, before naman, friends kami na nalaman namin na magkakatrabaho.

“Tapos ngayon, kung nasaan kami, ano ang nabibigay sa aming responsibilities, mga goals, bucket list, naabot namin, sobrang masaya kami,” sabi naman ni Krissha.

Before, masaya na ako basta may pambayad sa house. Ngayon, tapos ko na. Gusto ko lang matulog lang ako.

“Kahit isang beses lang ako mag-taping sa isang buwan. May pambayad lang ako sa koryente. Ganoon lang ako kasimpleng tao. Hindi ako materyosong tao,” chika pa ng binata.

Samantala, may mga Pinoy ang naniniwala sa kasabihang minsan kapag pumupunta sa ibang lugar, may mga “sumasama” na hindi nakikita. Kaya napagsasabihan ng mga kamag-anak ng, “Mag-ingat ka, baka may SUMAMA sa ‘yo.”

Tunghayan ang kwento ng isang barkada at ang kanilang quick sem break trip na magbabago sa takbo ng mga buhay nila.

Kasunod ng tagumpay ng The Rain in España at “mSafe Skies, Archer, nagbabalik ang “Univerkada” na kinabibilangan nina Krissha, Jerome, Aubrey, Keann, Hyacinth at Gab sa pinakabagong project na Sem Break.

Ito’y six-part series na idinirehe ni Roni Benaid, director ng hit 2023 horror movies na Mary Cherry Chua  at Marita.

Susundan natin ang isang barkada sa kanilang trip papunta sa kanilang travel destination.

Si Krissha ay gaganap bilang si Mich. Lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang Tita Belen dahil maagang pumanaw ang kanyang mga magulang. Tahimik lang si Mich sa bahay, pero makulit sa mga kaibigan pagdating sa eskuwela. May boyfriend na ito, at payag naman si Tita Belen, basta prioridad pa rin ang pag-aaral.

Si Jerome ay si Arlo. Galing sa mayamang pamilya. Introvert at mahilig sa swimming. Kaunti lang ang taong komportable siyang makasama – ang girlfriend niyang si Mich, ang best friend niyang si Tim at ang barkada.

Si Keann ay si Timmy, isang artist. Happy-go-lucky. Magkasama sila ni Arlo sa condo. Lagi nitong inaasar ang best friend ni Mich na si Cora pero ang totoo ay may crush siya rito.

Si Aubrey naman ay si Cora. Naniniwala siya sa horoscope, feng shui, astrology, at charms. Dahil sa pagiging kikay, madalas silang magbangayan ni Tim. Tinutukso naman silang dalawa nina Mich at Arlo.

Si Hyacinth ay si Jessie. Siya ang pinakamaalaga at pinaka-responsable sa grupo. Nagpa-part-time sa isang café na naging tambayan na ng barkada. Namana niya ang pagiging superstitious ng kanyang mga magulang.

Si Gab ay si Pipo. Iskolar sa kanilang unibersidad. Caretaker ang kanyang mga magulang sa isang beach resort sa malayong probinsiya, at doon sila pupunta ng barkada.

Ito ang weekend getaway na mauuwi sa wicked getaway.

Sa kabila ng paalala sa kanila na hindi pwedeng puntahan ang lighthouse na malapit sa resort, pupunta pa rin doon sina Mich, Arlo, Cora, at Tim para gawin ang 3AM challenge. Mawawala sila at magkakawalaan sa parang maze na structure ng lighthouse.

Mabuti at ligtas silang makakalabas sa lighthouse. Pag-uusapan ng apat na hindi na ito malalaman ng mga kaibigan. Pero pagbalik ng Maynila, hindi nila alam na hindi na lang sila ang sakay ng kanilang sasakyan.

Samahan ang Univerkada sa kanilang nakakikilabot na adventure sa Sem Break”, palabas na sa Viva One at may fresh episode tuwing Biyernes.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bernie Batin muling kinilala ang galing

MATABILni John Fontanilla AFTER winning the Novelty Artist of the Year sa 15th PMPC Star Awards …

Leandro Baldemor

Leandro na-guilty may gustong ihingi ng tawad

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang ma-guilty ni Leandro Baldemor sa isang karanasang ‘di niya makalilimutan noong mga …

Jessa Zaragoza Jayda

Jessa sarili ipinagtanggol, ‘di totoong napikon sa basher

MA at PAni Rommel Placente NAGING isyu para sa ilang netizens ang paghuhugas ni Jessa Zaragoza ng …

Angel Guardian Running Man ph

Angel mas nag-focus at na-enjoy ang pagtakbo

RATED Rni Rommel Gonzales TINANONG namin si Angel Guardian kung itinodo ba niya ang effort sa mga …

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Bahay nina Jerome sa Makati nagpayaman sa tiyahin

RATED Rni Rommel Gonzales HORROR ang Sem Break na bagong series ng Viva One at may sariling horror story …