Thursday , December 5 2024

Hataw

La Loma Police Station 1 at Brgy. San Jose galaw-galaw naman pag may time

Laganap ang holdapan ngayon dyan sa area of Responsibility (AOR) ng QCPD Laloma police station 1 na halos magka-trauma na ang mga residente partikular sa mga nakatira sa A. Bonifacio St., Dome St.,Cabatuan St.,at C-3 sa Lungsod Quezon. Walang takot na umano ang panghoholdap ng masasamang loob at mga riding in tandem.Paborito daw itong lugar ng mga kriminal dahil libreng-libre …

Read More »

Mas mabigat na parusa vs gun ban violators (Babala ng DILG)

DOBLENG kaparusahan ang kahaharapin ng sino mang lalabag sa umiiral na Comelec gun ban. Ayon kay DILG Sec. Mel “Senen” Sarmiento, batay sa kanyang pakikipag-ugnayan sa Comelec, lalabas na dalawa ang posibleng kaharapin ng isang violator. Ito ay illegal possesion of firearms at paglabag sa gun ban na kabilang sa Omnibus Election Code. Sinabi ni Sarmiento, kapwa may kaparusahan ang …

Read More »

Grade 5 pupil nakoryente sa naka-charge na cellphone

NAGA CITY – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang menor de edad makaraang makoryente dahil sa paggamit ng kanyang naka-charge na cellphone sa Sitio Matan, Brgy. Gaongan, Sipocot, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Judy Ajero, 14-anyos at Grade 5 pupil. Napag-alaman, aksidenteng naidikit ng biktima sa kanyang mukha ang kable ng charger at nakoryente dahil …

Read More »

Gapo mayor, ginoyo ang publiko sa utang sa koryente

OLONGAPO CITY – Simula Agosto 2013 hanggang sa kasalukuyan,  walang ibinabayad ang pamahalaang lokal ng lungsod sa Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM). Nilinaw ito ni Olongapo City Councilor Edic Piano kaugnay sa pahayag ni Mayor Rolen Paulino ng P200 milyon para sa pagkakautang ng lunsod sa PSALM na umaabot sa mahigit na P5 bilyon. “Sinasabi ni Mayor Paulino …

Read More »

Lehitimong kompanya ginagamit ng sugar smugglers

NABISTONG gumagamit ng lehitimong mga kompanya ang sindikatong nagtangkang magpuslit kamakailan ng 57 containers ng asukal mula sa Thailand na may halagang P40 milyon at naharang ng Intelligence Group (IG) ng Bureau of Customs (BOC). Naka-consign ang epektos sa Rainbow Holdings, Inc., isang kompanyang Koreano na may tanggapan sa Madrigal Business Park, Ayala, Alabang, Muntinlupa City pero pinabulaanan ng presidente …

Read More »

2 sundalo patay sa enkwentro sa ComVal

DAVAO CITY – Patay ang dalawang sundalo sa enkwentro sa Sitio Kalinugan, Brgy. Casoon, Monkayo, Compostela Valley Province kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Corporal Byron Moreno at Private First Class Thon Katog, parehong miyembro ng 25th Infantry Battalion. Nakasagupa ng mga biktima ang 60 miyembro ng Section Committee 3 Pulang Bagani Command 4 Southern Mindanao Regional Committee ng New …

Read More »

Sumampa sa payloader bata nagulungan, todas (3 kalaro ligtas)

DAVAO CITY – Agad nalagutan ng hininga ang 8-anyos batang lalaki makaraang masagasaan ang ulo nang mahulog mula sa sinampahang payloader kamakalawa. Ayon sa ulat, habang nagkakarga ng graba at buhangin ang payloader sa Sebusa River, sa bayan ng Matanao, Davao del Sur, nang biglang sumampa ang apat naliligong mga bata. Kinilala ang mga batang sina Juanito Gallos, 12; Jeffrey …

Read More »

Matino at mahusay na pamumuhay, magpapaunlad sa Filipinas—Alunan

HINDI ikinahihiya ni dating Secretary of Interior and Local Government Rafael “Raffy” Alunan III kung tawagin siyang ‘bubot’ sa desisyon na pasukin ang mundo ng politika. “Delikado at komplikado ang pumasok sa politika, lalo na sa mga katulad kong bagito, na alam ko napakahirap manalo sa larangang ito,” paliwanag ni Alunan matapos isumite ang kanyang certificate of candidacy (COC) para …

Read More »

Tolentino biktima ng pambu-bully

DINIPENSAHAN ng grupong good governance advocates si resigned Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino sa iba’t ibang kontrobersiya sa pagsasabing nabiktima ng bully upang pagtakpan ang kasalanan ng ilang senatorial bets. Nanindigan si Alberto Vicente, tagapagsalita ng Alliance for Good Governance na ilang miyembro na rin mismo ng Liberal Party ang nasa likod ng “demolition job” laban sa …

Read More »

Sen. Joker Arroyo pumanaw sa Amerika

KINOMPIRMA ni dating Senador Rene Saguisag na sumakabilang buhay na si dating Senador Joker Arroyo sa edad 88 anyos. Batay sa impormasyon ni Saguisag, si Arroyo ay dinala sa Amerika upang magpa-opera sa puso ngunit nabigo ang mga doktor at nitong Lunes ay pumanaw ang dating senador. Ayon kay Saguisag, inaayos pa ng maybahay ni Arroyo na si Odelia Gregorio ang …

Read More »

Tolentino inasunto sa malaswang show

KINASUHAN ng grupo ng mga kababaihan sa Office of the Ombudsman si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino kaugnay sa kontrobersyal na pagsayaw ng Play Girls sa event ng Liberal Party (LP) sa kaarawan ni Laguna Rep. Benjie Agarao. Pinangunahan ng party-list group na Gabriela ang paghahain ng reklamong paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for …

Read More »

Talaang Ginto: Makata ng Taon 2016, bukás na sa mga lahok

Ang TALAANG GINTO: MAKATA NG TAON ay timpalak sa pagsulat ng tula na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ni Ba-lagtas tuwing Ika-2 ng Abril taon-taon. Nilalayon ng timpalak na lalo pang pasiglahin at pataasin ang uri ng panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilala sa mga batikan at baguhang talino. Mga Tuntunin: Bukás ang timpalak …

Read More »

P58-M Vietnam rice nasabat sa CdeO

CAGAYAN DE ORO CITY – Mahaharap sa kaukulang kaso ang may-ari ng P58 milyong halaga ng imported rice na nasabat ng Bureau of Customs (BoC)-District 10 habang karga ng barko na dumaong sa Oro Port ng Brgy. Macabalan sa Lungsod ng Cagayan de Oro kamakalawa. Ito ay kung mabigo ang SODA Enterprises na nakabase sa Iligan City na makapagpakita ng …

Read More »

Camarin Elem School hiniling i-disinfect (Kaso ng meninggo itinanggi ng assistant principal)

ISANG 12-anyos Grade VI pupil ang kasalukuyang nakaratay sa isang ospital sa Maynila dahil sa Meningococcemia. Kinompirma, ito ng mga magulang at kapitbahay ng biktima na kinilalang si Anjanette Llarinas matapos magkagulo sa Camarin Elementary School dahil tumanggi ang assistant principal sa kahilingan nila na pansamantalagang ipa-quarantine ang paaralan upang ipa-disinfect nang sa gayon ay hindi mahawa ang ibang estudyante. …

Read More »

Producers ng Showtime pupulungin ng MTRCB (Sa pagbubugaw kay Pastillas)

ITINAKDA ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Oktubre 13 ang dayalogo sa mga producer ng isang noontime show dahil sa isyu ng pambubugaw. Ayon kay MTRCB Chair Atty. Eugenio Villareal, ito ay bilang tugon sa inihaing reklamo ng women’s group na Gabriela, na tila ibinubugaw na ang binansagang “Pastillas Girl” alang-alang sa ratings. Kabilang sa mga …

Read More »

4 Chinese nat’ls nasa Bilibid na (Hinatulan ng life sa illegal na armas)

NILIPAT na sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang apat Chinese nationals na nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo makaraang mapatunayang guilty sa kasong illegal possession of firearms and explosives. Kinompirma ni OIC provincial jail warden Dario Estavillo, naging prayoridad ng Ilocos Norte Provincial Jail ang paglipat sa naturang mga presong dayuhan sa NBP dahil maituturing silang security threat …

Read More »

Pulis patay sa Bagets Gang sa Davao

DAVAO CITY – Pinaghahanap na ang grupo ng mga kabataang miyembro ng gang na itinuturong suspek sa pagpaslang sa isang pulis sa Davao kamakalawa. Kinilala ang napatay na pulis na si SPO1 Vivencio Virtudazo, nakatalaga sa Toril Police Station. Base sa imbestigasyon ng Toril PNP, kamakalawa ng gabi, nagsagawa ng mobile patrol si SPO1 Virtudazo sa kanto ng Lao at …

Read More »

Holdaper patay sa shootout sa Bulacan (Huling biktima tinodas)

PATAY ang isang lalaking hinihinalang miyembro ng grupo ng mga holdaper at motornapper na kumikilos sa Bulacan, makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa San Jose del Monte City, sa nabanggit na lalawigan kamakalawa. Sa report ni Police Regional Office 3 regional director, C/Supt. Rudy Lacadin, naka-enkwentro ng mga tauhan ng Bulacan PNP ang isang grupo ng mga holdaper at motornapper …

Read More »

Aswang gumagala sa Ilocos Norte

LAOAG CITY – Nababalot ng takot ang mga residente sa Brgy. Magnuang, Batac, Ilocos Norte, dahil sa sinasabing gumagalang aswang sa kanilang lugar. Batay sa impormasyon, mula nang lumabas ang balitang may gumagalang aswang sa nasabing barangay ay natatakot nang lumabas sa gabi ang mga residente at maaga na rin silang nagsasara ng kanilang mga bahay. Ayon kay Brgy. Chairman …

Read More »

Pastor itinumba habang nagmimisa (Sa Surigao del Norte)

BUTUAN CITY – Masusing iniimbestigahan  ng pulisya sa bayan ng San Francisco, Surigao del Norte ang pagpatay sa preacher ng Lord Jesus Christ fellowship habang nagmimisa sa loob ng simbahan kamakalawa ng hapon sa Brgy. Jubgan sa nasabing bayan. Hindi na nadepensahan pa ng biktimang si Allan Ursabia, 45-anyos, may asawa at residente ng Bagong Silang, Brgy. Washington, Surigao City, …

Read More »

Convoy ng vice mayor pinasabugan, 3 patay (5 pa sugatan)

ZAMBOANGA CITY – Tatlo ang patay habang habang lima ang sugatan sa pagsabog ng bomba sa may Brgy. Sunrise, Isabela City, Basilan pasado 1 p.m. kahapon malapit mismo sa bahay ni Isabela City Mayor Cherrylyn Santos-Akbar. Batay sa report ng mga awtoridad, sumabog ang bomba habang dumadaan ang  convoy  ni Incumbent Isabela City Vice Mayor Abdulbaki Ajibon. Nabatid na agad …

Read More »

Call center agent dedbol sa bundol ng truck

BINAWIAN ng buhay ang isang call center agent makaraang mabundol ng isang delivery truck sa kanto ng C-5 at Origas Avenue, Pasig City kahapon ng madaling araw. Sa inisyal na imbestigasyon, kinilala ang biktimang si Alquier Maranan, empleyado ng Transcom, tumatawid sa lugar nang mahagip ng truck. Aminado ang driver ng truck na si Danilo Gabitano, nakita niyang papatawid ang …

Read More »

VP nanggugulo lang

SINAGOT ni Mar Roxas ang mga pasaring ni Vice President Jejomar Binay tungkol sa plano daw na dayain siya sa darating na eleksyon. “Ano pang ine-expect natin sa mga taong di humaharap sa mga paratang sa kanya?” sabi ni Roxas nang makausap ito ng mga mamamahayag pagkatapos ng panunumpa ng mga opisyal ng Liga ng mga Barangay sa isang hotel sa …

Read More »

Babaeng sinapian ng bad spirit utas sa biyenan

BACOLOD CITY – Bumulagtang walang buhay sa gitna ng ulan sa labas ng kanilang bahay ang isang babae makaraang pagsasaksakin ng kanyang biyenan nang magwala ang biktimang sinasabing sinapian ng masamang espirito kamakalawa sa Sitio Canbanong, Brgy. Guiljungan, bayan ng Cauayan, sa Negros Occidental. Ayon kay PO1 Errol Sebua, case investigator ng Cauayan Police Station, ang 22-anyos biktimang si Annabelle …

Read More »

Fetus nilapang ng aso sa Cebu (Natagpuan ulo at braso na lang)

CEBU CITY – Iniimbestigahan ng mga pulis kung sino ang mga magulang ng isang fetus na natagpuan  sa  sakahan ng Sitio Upper Tak-an, Brgy. Budlaan, Lungsod ng Cebu kamakalawa. Nabatid na tanging ulo at isang braso na lang ng fetus ang natagpuan ng grupo nina SPO2 Roy Jayme. Sinasabing natagpuan ang fetus ng isang Medie Tejero, 40, nakatira sa nasabing …

Read More »