Thursday , June 4 2026

Call center agent dedbol sa bundol ng truck

BINAWIAN ng buhay ang isang call center agent makaraang mabundol ng isang delivery truck sa kanto ng C-5 at Origas Avenue, Pasig City kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na imbestigasyon, kinilala ang biktimang si Alquier Maranan, empleyado ng Transcom, tumatawid sa lugar nang mahagip ng truck.

Aminado ang driver ng truck na si Danilo Gabitano, nakita niyang papatawid ang biktima, at sinubukan niyang iwasan.

Gayonman, dahil matulin ang takbo ng truck at nawalan ng preno ay nabundol ang biktima.

Napuruhan sa ulo ang biktima kaya agad nalagutan ng hininga.

Dinala rin sa ospital ang driver para ipa-medical exam, habang inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting in homicide na isasampa sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …