Thursday , June 4 2026

4 Chinese nat’ls nasa Bilibid na (Hinatulan ng life sa illegal na armas)

NILIPAT na sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang apat Chinese nationals na nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo makaraang mapatunayang guilty sa kasong illegal possession of firearms and explosives.

Kinompirma ni OIC provincial jail warden Dario Estavillo, naging prayoridad ng Ilocos Norte Provincial Jail ang paglipat sa naturang mga presong dayuhan sa NBP dahil maituturing silang security threat sa nasabing kulungan dahil sa pagiging high profile.

Ani Estavillo, ang apat dayuhan ay ini-escort ng ilang guwardiya ng INPJ at ilang pulis sa paglipat sa kanila.

Kung maaalala, sina Da Leng Haiyun, Dang Huiyin, Liu Wen Xion at Lei Guang Feng ay nakompiskahan ng matataas na kalibre ng baril at eksplosibo sa isang checkpoint sa Pasuquin, Ilocos Norte noong Mayo 28, 2013.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …