Monday , October 2 2023

‘Gapo, “crime capital” na ba ng Central Luzon?

KINONDENA ng Kulisan Kontra Katiwalian at Kabulukan (4K) ang kawalang aksiyon ng pulisya at pamahalaang lokal ng Olongapo City sa katakot-takot na krimen sanhi ng ilegal na droga at nakawan kaya ikinokonsidera na “crime capital” sa Central Luzon ang lungsod.

Ayon kay 4K secretary general Rodel Pineda, sa halip na iutos ni Olongapo Mayor Rolen Paulino ang mabilisang paglutas sa mga krimen na nagpasikat sa Olongapo nitong nakaraang dalawang buwan ay iniutos pa niya ang news blackout lalo sa mga mediaman na nakabase sa Zambales.

Nabatid, nitong Setyembre 15, isang lalaki ang binaril at napatay ng kagawad ng Brgy. New Cabalan na si Crisaldo Angeles Eugenio at bago ito, magkasabay ninakawan ang Eenel-Aayan Pawnshop and Money Changer at Donn and Donna Pawnshop and Money Changer na ilang metro lamang ang layo sa Olongapo City Police station at City Hall nitong September 14.

“Sunod-sunod ang patayan sa Olongapo pero sa halip umaksiyon sa illegal drugs related cases tulad sa pagpatay kina Roberto Mariano at Cezar Basco Jr.,  walang kibo si Paulino at ang pulisya sa ilalim ni Sr. Supt. Pedrito de los Reyes, news blackout ang sagot nila sa mamamayan,” giit ni Pineda. “Mismong ang legal office ng Cityhall ay ninakawan ng pera, USB at ilang mahahalagang dokumento noong Agosto 6, pero wala kang makukuhang detalye sa mga pulis. ‘Yun pa kayang shabu na natagpuan mismo sa loob ng City Hall?”

Dahil dito, nanawagan ang 4K kay bagong Department of Interior and Local Government Senen Sarmiento na paimbestigahan ang pulisya kung bakit nagsasagawa ng news blackout at sibakin si De los Reyes na napatunayang kumikiling kay Paulino lalo’t malapit na ang halalan.

ADB

About Hataw

Check Also

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Arrest Posas Handcuff

 ‘Exhibitionist’ dinampot ng parak

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaking ‘exhibitionist’ matapos makunan ng video habang nagpapakita …

Gun Fire

Ex-CSU ng Malabon namaril ng sekyu

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang security guard matapos barilin ng dating kawani ng Malabon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *