Tuesday , April 22 2025
crime scene yellow tape

NEGOSYANTE NINAKAWAN, PINASLANG   
P1.8-M cash, alahas, sasakyan tangay

ISANG kilalang negosyante ang pinagsasaksak nang mahigit 50 beses matapos pagnakawan sa kanyang tahanan sa isang subdibisyon sa Barangay Burol Main, Dasmariñas City.

Sa ulat ng PNP Region 4A  nitong Martes, kinilala ang biktimang si William Tibayan, sakay ng kanyang Toyota Hilux Conquest papasok sa parking area ng kanilang bahay dakong 2:40 am nang biglang bumulaga ang tatlo lalaki, tinutukan siya ng baril saka pumasok sa loob ng sasakyan.

Pagpasok sa kanilang bahay, agad tinalian ng masking tape ang paa at kamay ng live-in partner ni Tibayan, kinilalang si Aniceta Nacua. Sinabing pinaghiwalay ng mga suspek sina Tibayan at Nacua.

Hinalughog ng mga suspek ang bahay at nilimas ang nasa P1,800,000 cash, mga mamahaling alahas, cellphones, at mahahalagang gamit sa loob ng bahay.

Hindi nakontento ang mga suspek, pinagsaksak ang negosyante nang mahigit sa 50 beses saka sila mabilis na sumakay sa sasakyan ng biktima na kanilang ginamit sa pagtakas.

Nang makaalis ang mga suspek, agad humingi ng tulong ang nakagapos na misis at dinala sa pagamutan ang biktima ngunit dahil sa rami ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival.

Tinutugis ng pulisya ang mga suspek.  (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

3 Bulacan MWPs inihoyo

NASAKOTE ang tatlong indibiduwal na nakatalang pawang mga most wanted persons (MWPs), kabilang ang number …

MV Hong Hai 16 PCG

Sa tumaob na barko sa Mindoro Occidental
2 katawan natagpuan, 2 nawawala pa rin

NAREKOBER ng mga awtoridad ang dalawang karagdagang mga katawan nitong Linggo ng Pagkabuhay, 20 Abril, …

P45-M illegal diaper plaridel bulacan

Sa Plaridel, Bulacan
P45-M ilegal na diaper nasabat 

NASAMSAM ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kontra ilegal na kalakal, …

Dead Road Accident

Sa Bacolod
Disgrasya sa prusisyon ng Biyernes Santo lider ng mga Layko, 2 pa patay

IPINAGLULUKSA ng Diyosesis ng Bacolod ang pagpanaw ng isang lider ng mga layko at dalawang …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …