Wednesday , May 29 2024
Krystall Herbal Oil

Bitak-bitak na sakong dulot ng diabetes pinaghilom ng Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

               Ako po si Leiriza Zoinaut, 59 years old, isang diabetic, naninirahan sa North Fairview, Quezon City.

               Matagal ko na pong problema ang nagkakasugat-sugat na sakong ko dahil nagkakabitak-bitak. Noong una, ang sabi sa akin ay baka may allergies daw ako sa tsinelas na ginagamit ko. Kaya hayun, maya’t maya palit nang palit ako ng tsinelas.

               May nagsabi naman na baka nasosobrahan ako sa foot spa. Parang naniniwala naman ako, kasi bisyo ko na ang magpa-foot spa.

               Pero sabi ng mga kapwa ko pasyenteng diabetic, ‘yan daw ay dahil sa ginagamit naming gamot sa diabetes. Naapektohan ang kidneys namin kaya namamatay ang maliliit na nerves sa paa namin hanggang ganoon na nga ang mangyari — nagkakabitak-bitak.

               Kaya naman pala kahit anong gawin kong kiskis at lotion sa paa ko, balik at balik pa rin ang pagbibitak-bitak.

               Hanggang isang araw, isang masugid ninyong tagasubaybay ang nakausap ko — si Sis Nilda. Pasyente rin siya ng HMO doctor na pinupuntahan ko. Sabi niya, “Ay naku day, dapat mas inaalagaan mo ‘yang mga paa mo kaysa mukha mo. Kasi diyan nakasalalay ang iyong kalusugan.”

               Sabi pa niya, “‘Yan tingnan mo, medyo pasosyal kang pomorma pero ang paa mo, ewan.”

               Nagbibiro lang daw siya, pero parang na-offend naman ako, not until ipakita niya ang kanyang talampakan sa akin, napa-wow akong talaga. Sabi ko ano ang gamit mong lotion? Sagot niya “hindi lotion ang gamit ko rito.”

               Inilabas niya ang isang maliit na bote, saka sabi niya “Dyarann, Krystall Herbal Oil.” Dati raw ay mas malala ang bitak ng mga paa niya pero mula nang gumamit siya ng Krystall Herbal Oil ay unti-unting nawala ang mga bitak-bitak hanggang muling kuminis ang kanyang sakong at talampakan.

               Ay wow, talagang napabilib ako, Madam Fely. Sabi niya, sa Farmers Plaza raw siya bumibili ng Krystall Herbal Oil at iba pang Krystall products since malapit sa clinic ng doctor na pinupuntahan namin.

               Sabi rin niya, makinig ako sa livestreaming sa FB ng programa ninyo sa DWXI 1314 AM at marami raw akong matutuhan. 

               Hindi po ako nagsisi na nakilala ko si Sis Nilda, dahil ngayon po ay malaking tulong sa akin ang Krystall Herbal Oil, hindi lang sa bitak-bitak na talampakan kundi sa iba pang puwedeng paggamitan nito. Nagte-take na rin ako ng Krystall Vit. B1B6 dahil kailangan daw po ito ng mga diabetic na katulad ko.

               Maraming salamat po Sis Fely, dahil malaking tulong ang inyong mga imbensiyon bilang pang-alalaya sa aming kalusugan.

               God bless you even more.

LEIRIZA ZOINAUT

North Fairview

Quezon City

About Fely Guy Ong

Check Also

SSS, Bocaue LGU lumagda sa MOA para sa social security coverage ng JO workers

SSS, Bocaue LGU lumagda sa MOA para sa social security coverage ng JO workers

IPINAHAYAG ng Social Security System (SSS) na mahigit 800 job order (JO) na manggagawa sa …

Mayor, mangingisda ng Masinloc, nagpapasaklolo sa Presidente at sa Speaker

Mayor, mangingisda ng Masinloc, nagpapasaklolo sa Presidente at sa Speaker

HUMINGI ng tulong si Masinloc Mayor Arsenia “Senyang” Lim at ang mga mangingisda sa Zambales …

052824 Hataw Frontpage

Para sa firetrucks at emergency medical equipment,
P2.88-B PONDO NG DILG-BFP IPINALABAS NI PANGANDAMAN

INIUTOS ni Budget Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang agarang pagpapalabas ng kabuuang P2.880 bilyon sa …

052824 Hataw Frontpage

Ipinagkanulo ng nalaglag na belt bag  
‘GUNMAN’ SA LTO EXEC AMBUSH ARESTADO

ni ALMAR DANGUILAN ITINUTURING ng Quezon City Police District (QCPD) na lutas na ang pagpaslang …

Tacloban Leyte

Anti-government rally ng Maisug pumalpak

KINANSELA ng Maisug anti-government rallyists ang kanilang protesta sa Tacloban City sa Leyte province makaraang …