Monday , June 15 2026
Sheryl Cruz

Sheryl abala sa negosyo, showbiz project kabi-kabila

MA at PA
ni Rommel Placente

SOBRANG happy si Sheryl Cruz dahil hindi siya nawawalan ng mga proyekto at sunod-sunod din ang pagtanggap niya ng mga award.

Katatapos niya lang gawin ang vertical drama na Second Chances, produced ng Maddox at Moonstone Productions under the direction of Direk Rommel Penesa.

Kasama niya rito sina DJ Durano, Jao Mapa, at Ynez Veneracion. Malapit na itong  mapanood.

May natapos din siyang gawing pelikula, ang Kappa-tiran, directed by Neal “Buboy” Tan for Mamay Productions.

Co-stars niya rito sina Ejay Falcon, Aljur Abrenica, Bembol Roco, Patricia Javier, at Julio Diaz.

May mga TV guesting din si Sheryl. Nag-taping siya para sa dalawang show. Una ay sa game show ni Dingdong Dantes na  Family Feud at All-Out Sundays (AOS), na kumanta siya ng live ng mga OPM song.

Samantala, noong May 31 ay tumanggap ng award si Sheryl sa ModelMoms 2026.

At sa June 27 ay muli siyang tatanggap ng award mula naman sa The 2nd Asia-Pacific Topnotch Men & Women Achievers Awards bilang  Asia-Pacific Best TV Actress of the  Year. Ang organizer ng award-giving body ay si Direk Romm Burlat.

Hndi lang artista at singer si Sheryl kundi isa na rin siyang businesswoman. May itinayo siyang business na tinawag niyang She & Ai Food Products.

Business partner niya rito ang best friend niyang si Ailene Rivera.

Ia-announce nila soon ang official launch date nito.

Napapanod pa rin ang award-winning actress sa musical-drama na Born To Shine, na gumaganap siya rito bilang si  Giovanna ‘Vanna’ Grande, ang head coach at vocal coach ng boot camp. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gary V  Rene Baterbonia Divine Adili

Gary Valenciano nakiramay sa 2 Ateneo athletes

MATABILni John Fontanilla ISA si Gary Valenciano sa nagluluksa sa pagkamatay ng dalawang Ateneo de Manila University …

Sue Ramirez Rico Blanco Project Baby

Sue at Rico pak na pak sa Project Baby

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD na namin ang pelikulang Project Baby na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at Rico Blanco, …

Shalanie de Vera Latina Athena Red

VMX star Shalanie de Vera mahilig makipag-usap sa strangers

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWA na namang siguradong aabangan ng mga suki ng VMX ang inihahatag ng Viva. …

Jenn Rosa Helena

Jenn Rosa nag-aral kaya nawala sa VMX

I-FLEXni Jun Nardo ALMOST one year palang natigil sa paggawa ng VMX movies ang sexy star na …

Matteo Guidicelli TV5

Matteo Guidicelli bahagi na ng TV5

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang magiging bahagi ng TV5 si Matteo Guidicelli matapos palitan bilang anchor sa Bilyonaryo News Channel. …