Saturday , June 22 2024
TEAM muling magbibigay-tulong sa Child Haus

TEAM muling magbibigay-tulong sa Child Haus

HARD TALK
ni Pilar Mateo

INIHALAL na ng bagong sibol na grupo ng media practitioners ng mga peryodista at tabloidista, vloggers,  photojournalists, talent developers, at website operators ang set of officers ng The Entertainment Arts and Media (TEAM) para sa 2024-2026.

Ang bagong halal na  pamunuan ay kinabibilangan nina: Nonie Nicasio, presidente; Anne Venancio, bise presidente; Maridol Ranoa-Bismark, kalihim; Maryo Banlat Labad, katulong na kalihim; Obette Serrano, ingat yaman; Noel Benesisto Orsal, katulong na ingat yaman; Wendell Alvarez, awditor/tagasuri; Pilar Mateo at  Danny Vibas, mga tagapagpahayag.

Kabilang naman sa mga miyembro sina: Roland Lerum, Cesar Ian Batingal, Jhay Orencia, Boy Borja, Marialuz Candaba, Adjes Carreon, Nimfa Chua, Sany Chua, Audie See, at Atorni Ton.

Isang proyekto ang nakatakdang isagawa ng TEAM, isang outreach project para sa 2024. Sa ikalawang pagkakataon, isang gift-giving at feeding visit sa Child Haus, na isang tahanan para sa mga batang na-diagnose ng cancer at nangangailangan ng medical attention at treatment sa iba’t ibang pagamutan sa Metro Manila na nagmula sa mga lalawigan ang bibiyayaan ng pagpapala ng grupo. 

Matatagpuan ang Child Haus sa 1448 F. Agoncillo St. in Malate, Manila. Ang proyekto ay isasagawa ng TEAM sa Hunyo 9 na layunint magpasaya sa mga bata at kanilang pamilya na sisimulan sa pamamagitan ng isang Santa Misa kasunod ang pakikipagsaya ng mga naanyayahang panauhin mula sa iba’t ibang network para makasalamuha ng mga bata.

Maghahatid din ng pananghalian para sa lahat ang Kusina Manileño, handog ng Manila Vice Mayor, Yul Servo Nieto.

Ikalawang pagkakataon na ng TEAM na piliin ang  Child Haus bilang beneficiary ng  outreach program. Na sa ilang panahon ay isinasagawa na  ng TEAM isang beses sa isang taon. Kabilang na ang mga tahanan para sa mga inabandona, mga may edad at kabataan ang naikot ng grupo sa pagsasagawa at paghahatid ng tulong. 

About Pilar Mateo

Check Also

Rhen Escano

Karma ni Rhen pang Hollywood-level

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Rhen Escano na sobra siyang nahirapan sa paggawa ng action film, ang …

CC6 Music Fest 2024

CC6 Music Fest 2024 aarangkada kasama ang Rocksteddy at Mayonnaise

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAKIPAG-RAKRAKAN, kantahan, at sayawan sa June29, 2024 kasama ang ilang …

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Marian Rivera Balota

Marian intense ang aktingan sa Cinemalaya entry  

RATED Rni Rommel Gonzales SIGURADONG kakaibang Marian Rivera ang mapapanood sa Cinemalaya entry na  Balota. Makikita sa isang BTS photo …