Wednesday , June 19 2024
jeepney

Para sa mga tsuper ng unconsolidated jeepneys  
GOV’T AGENCIES DAPAT MAGLAAN NG ALTERNATIBONG KABUHAYAN

NANAWAGAN si Senadora Grace Poe sa mga concern agency ng pamahalaan ng agarang magbigay ng agarang alternatibong kabuhayan sa mga libo-libong jeepney drivers na nawalan ng kabuhayan kaugnay ng pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Ayon kay Poe, ang mga training at trabahong oportunidad sa kanila ay dapat na matiyak na available, accessible, at flexible lalo sa mga tsuper.

“Hindi lang libo-libong jeepney ang nakatambay ngayon sa mga garahe at kalsada, pati na ang mga driver nila na tiyak naghahagilap na ng mapagkakakitaan para may maipakain sa pamilya,” giit ni Poe.

Binigyang-diin ni Poe kung gaano itinutulak ang PUVMP ay dapat ganoon katindi ang pagpapatupad na mabigyan ng proteksiyon ang mga tsuper at mga operators na lubhang apektado ng programa ng pamahalan.

“We also call on the LTFRB to address the commuters’ complaints about the lack of PUVs in a number of routes since the threat of apprehension on the unconsolidated jeepneys started,” dagdag ni Poe.

Paglilinaw ni Poe, dahil sa unconsolidated jeepneys sa 313  ruta sa Metro Manila ay tiyak na sapat ang mga sasakyan sa lansangan para sa mga commuters ngunit kung ito ay magkukulang dahil sa programa ng pamahalaan dapat itong matugunan at mapaghandaan.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

SM Supermalls 100th Job Fair 1

SM Supermalls Celebrates Milestone with 100th Job Fair

June 14, 2024 – Manila, Philippines –SM Supermalls proudly hosted its 100th job fair, reinforcing …

‘Mangangalakal’ bugbog-sarado sa 15 sekyu ng Las Piñas subdivision

‘Mangangalakal’ bugbog-sarado sa 15 sekyu ng Las Piñas subdivision

BUMUHOS ang suporta para sa isang 26-anyos ‘mangangalakal’ na biktima ng pambubugbog at pagmamaltrato ng …

Mark Leviste Vilma Santos

VG Mark handang magparaya kay Ate Vi sakaling tatakbo muling gobernador

I-FLEXni Jun Nardo NAKARATING kay Batangas Vice Governor Mark Leviste ang pahayag ni Finance Secretary Ralph Recto na kinu-consider …

Queen Vi Rodriguez ACT AGRI-KAAGAPAY

ACT AGRI-KAAGAPAY, nakiisa sa parada ng kalayaan 2024

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKIISA ang Act Agri-Kaagapay Organization, isang non-government organization na nagsusulong …

Lito Lapid

Lapid: Raid sa POGO hub sa Pampanga, isama sa Senate investigation

NANAWAGAN si Senador Lito Lapid sa Senado na isama sa imbestigasyon ang pagsalakay ng mga …