Wednesday , January 22 2025
shabu drug arrest

2 katao arestado, P.387-M shabu kompiskado

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang katao kabilang ang isang high value individual (HVI) na kinakompiskahan ng P387,000 halaga ng shabu sa isinagawang anti-illegal drug buybust operation ng San Pedro PNP.

Kinilala ni P/Col. Gauvin Mel  Unos, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sina alyas Jay at Myra kapwa residente sa San Pedro City, Laguna.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Tyrone DG Valenzona, hepe ng San Pero Component City Police Station, nagkasa ang kanilang mga operatiba ng drug buybust operation sa Brgy. Nueva, San Pedro City, Laguna, na nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas Jay at Myra matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa nagpanggap na poseur buyer kapalit ang marked money.

Nakompiska sa mga suspek ang tatlong pirasong plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na aabot sa 57 gramo at tinatyaang nagkakahalaga ng P387,600, isang coin purse na naglalaman ng pera, narekober din sa mga suspek ang ginamit na marked money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pedro Component City Police Station CCPS ang nasabing mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.”

Sa pahayag ni P/Col. Unos, “Ang pagkaaresto sa mga suspek ay bunga ng matiyaga at walang pagod na pagtatrabaho ng pulisya ng Laguna. Tinitiyak namin ang patuloy na pagkilos ng ating pulisya para malipol at maiiwas natin ang ating mga kababayan sa bawal na gamot.”  (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Gun poinnt

‘High sa droga’ nagpaulan ng bala; 3 todas, 1 sugatan

PATAY ang tatlo katao habang sugatan ang isa pa matapos pagbabarilin ng isang lalaking pinaniniwalaang …

Lemery Batangas

Dinukot sa Makati
KOREANO NASAGIP SA BATANGAS

MATAGUMPAY na nailigtas ng mga awtoridad ang isang Korean national sa Brgy. Mayasang, bayan ng …

Drug den sa Bulacan binaklas ng PDEA Maintainer, 2 pa tiklo

Drug den sa Bulacan binaklas ng PDEA Maintainer, 2 pa tiklo

WINASAK ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bulacan Provincial Office ang isang …

FPJ Panday Bayanihan Brian Poe Llamanzares

Sa FPJ Panday Bayanihan: Interes ng tanod unahin

PARA sa mga tagapagtaguyod ng FPJ Panday Bayanihan partylist group, higit na angkop isulong ng …

Rodante Marcoleta

Rodante Marcoleta Emphasizes Transparency, Accountability, and Strategic Reforms in Governance

Senatorial candidate and Partylist Representative Rodante Marcoleta shared his views on critical national issues during …