Thursday , June 4 2026
Gang leader, 1 pa arestado sa Ops Lansag

Gang leader, 1 pa arestado sa Ops Lansag          

CAMP VICENTE LIM – Naaresto ang dalawang tinukoy na ‘gunrunner’ kabilang ang isang wanted person na sinabing lider ng gang at may mga kasong murder at homicide sa ilalim ng Oplan Paglalansag Omega sa Barangay Sampiruhan, Calamba City, Laguna noong Lunes ng gabi.

Ayon kay Lt. Col. Ganaban Ali, Criminal Investigation and Detection Group – CALABARZON regional director, kinilala ang mga suspek na sina Regie Abarquez, 25 anyos, sinabing lider ng Abarquez gang, at kasamahan nitong tricycle driver na si Abundio Alcaraz, 47, kapwa residente sa Pulong Kendi sa Barangay Sampiruhan.

Nasamsam sa pag-iingat nina Abarquez at Alcaraz ang dalawang kalibre .45, isang hand grenade at iba’t ibang uri ng mga bala.

Sinabi ni Ali ang dalawang suspek ay aktibong sangkot sa ilegal na pagbebenta at pamamahagi ng loose firearms. Pareho silang naging target ng ilang police operations ng CIDG Laguna mula noong 2022.

Sa pakikipag-ugnayan sa Calamba police sa pamumuno ni Col. Dennis De Guzman, nagsagawa ng bust sting laban sa ‘gang’ nina Abarquez at Alcaraz na sangkot sa pagbebenta ng mga loose firearms sa Pulong Kendi, bandang 8:11 ng gabi.

Nang mamataan ng pulisya si Abarquez ay agad na inaresto ng mga operatiba ng CIDG Laguna sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder noong 2022. Idinagdag na siya ay may record sa mga operatiba ng Calamba police ng kasong homicide.

Inaresto si Abarquez sa kanya tirahan sa Barangay San Cristobal, Calamba City, ngunit nagresulta sa isang armadong enkuwentro noong 15 Oktubre 2025.

Isa sa mga miyembro ng Abarquez gang ang nagpaputok patungo sa operating unit ang namatay at dalawang pulis ang nasugatan sa operation.

Kasalukuyang nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga tauhan ng CIDG-Laguna para pag-aralan, suriin, at subaybayan ang mga kaso ni Abarquez. (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …