Wednesday , February 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun

Trike driver binoga sa batok tigok ‘pintor’ arestado

ISANG tricycle driver ang bumagsak at agad na namatay nang barilin sa batok ng isang pintor sa Dasmariñas City, Cavite, nitong Lunes, 2 Pebrero.

                Kinilala ang biktima na isang alyas Ricky, tricycle driver, residente sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite, habang ang arestadong suspek ay tinukoy na isang alyas Moises, isang pintor, residente sa Sanitary Compound, Brgy. Sta. Lucia, Dasmariñas City.

Nabatid sa imbestigasyon, dakong 5:55 ng hapon noong Lunes, 2 Pebrero, isang tawag sa telepono ang natanggap ng Dasmariñas CCPS investigator at iniulat ang insidente.

Agad nagsadya ang duty investigator sa lugar ng insidente upang i-verify ang ulat.

Nabatid na naglalakad ang biktima mula sa kanyang bahay nang lumapit ang suspek galing sa likuran, bumunot ng baril ng hindi tukoy na kalibre saka pinaputukan sa batok ang biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Agad dinala ng pamilya ng biktima ang bangkay sa kanilang Mosque sa Datu Esmael bilang pagtalima sa kanilang tradisyon.

Inaresto ang biktima ng mobile patrollers at intelligence group sa follow-up operations ng SWAT, sa pangunguna ng OIC ng estasyon, sa pamamagitan ng hot pursuit operation at sa pakikipagtulungan ng mga barangay officials ng Datu Esmael at ng saksi.

Nakatakdang ihain ang kasong murder laban sa suspek sa opisina ng City Prosecutor’s Office  ng Dasmariñas kapag naihanda na ang mga kinakailangang dokumento. (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Goitia PH Flag PCG Army

Goitia: Paninindigan para sa Soberanya ng Pilipinas

Panahon ng Linaw at Paninindigan Hindi ito panahon para sa kalituhan. Panahon ito ng linaw …

Jayda Avanzado Dylan Menor

Jayda Avanzado at Dylan Menor magtatambal sa bagong Viva One series na Project Loki

ni Allan Sancon MAGTATAMBAL sa isang mystery-crime thriller series na Project Loki sina Jayda Avanzado at Dylan Menor. Ito ay  series …

Fire

Nakasinding kandila tumupok sa 30 bahay sa Valenzuela City

HINDI liwanag kundi naglalagablab na apoy ang naidulot ng napabayaang nakasinding kandila at tumupok sa …

Arrest Shabu

18-anyos tulak na bebot, kasabwat huli nasakote

ARESTADO ang dalawang drug suspects kabilang ang 18-anyos dalagang itinuturing bilang high value individual (HVI) …

Eleazar Barber PNP

Bagong PD ng Rizal, umupo na

PORMAL nang umupo bilang bagong Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office (RPPO) si Col. …