Thursday , June 4 2026
Arrest Posas Handcuff

15 taon nagtago
Most wanted ng CALABARZON tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person sa Regional Level sa ikinasang manhunt operation ng mga awtoridad sa bayan ng Liliw, lalawigan ng Laguna, nitong Martes, 10 Pebrero.

Sa ulat kay Acting Provincial Director P/Col. Jonar Yupio ng Laguna PPO, kinilala ang suspek na si alyas Roy, residente sa nabanggit na bayan.

Lumalabas sa ulat ng Liliw MPS, sa pamumuno ni P/Maj. Ajalino Balaoro, natunton ng kanilang mga operatiba ang pinagkukutaan ng suspek na 15 taon nagtago sa batas.

Dakong 12:20 ng tanghali kamakalawa, isinagawa ang operasyon sa Brgy. Ilayang Palina, sa naturang bayan na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Dinakip si alyas Roy sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Sta. Cruz, Laguna Regional Trial Court (RTC) Branch 91 na may petsang 11 Hulyo 2011 para sa kasong murder na walang inirekomendang piyansa.

Bilang pagtalima sa standard operating procedures, ipinaalam sa akusado ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto at maayos na ipinaliwanag sa kanya ang mga karapatang konstitusyonal sa wika na kanyang nauunawaan, at ang mga proteksiyon nito sa ilalim ng RA 9745 o ang Anti-Torture Act of 2009.

Samantala, bilang pagpapatibay sa transparency at accountability sa mga operasyon ng pulisya, ang nasabing operasyon ay maingat na naidokumento at naitala sa pamamagitan ng isang alternative recording device.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Liliw MPS ang arestadong suspek habang ang korte na pinagmulan ng warrant of arrest ay inabisohan sa pagkaaresto.

Pahayag ni Yupio, “Patuloy at maigting na nagsasagawa ang pulisya ng Laguna ng mga operasyon laban sa mga indibiduwal na nagtatago sa batas upang maipagkaloob ang hustisyang nararapat para sa kanilang mga nabiktima. Ang tagumpay ng pulisya sa mga operasyong ito ay tagumpay din ng mamamayan dahil sa suportang ibinibigay nila sa buong ahensiya.” (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …