Thursday , May 1 2025
Arrest Posas Handcuff

Tinakot pa ng baril
MISTER KALABOSO SA PAG-UMBAG NG LIVE-IN PARTNER

SA KULUNGAN bumagsak ang isang ‘matapang’ na mister matapos dakpin ng pulisya dahil sa reklamong pananakit sa kanyang kinakasama sa City of San Jose del Monte (CSJDM), Bulacan kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang inarestong suspek ay kinilalang si alyas Ronnie, 53 anyos, residente sa Brgy. Mulawin, Francisco Homes, sa naturang lungsod.

Ayon sa ulat, dinakip si alyas Ronnie ng mga tauhan ng CSDM PS matapos bugbugin ang kanyang live-in partner dakong 9:00 am sa loob ng kanilang tahanan sa Phase D, Francisco Homes, Brgy. Mulawin.

Napag-alaman na habang sinasaktan ay pinagpakitaan pa ng suspek ng baril ang live-in kaya lalo itong natakot.

Kahit halos lantang gulay sa tinamong pananakit ng suspek ay nagawang makaalpas ng biktima sa mga kamay nito at nagsumbong sa himpilan ng CSDM PS na agad umaksiyon.

Hindi nagawang makapanlaban ang suspek nang pagsalikupan ng mga pulis hanggang makompiska sa kanyang pag-iingat ang isang kalibre .45 baril na may nakasingit na magazine, dalawang dagdag na magazine, 15 bala, isang sling bag, isang holster, at isang magazine pouch.

Dinala ang nakompiskang baril sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa ballistic examination habang ang mga kaukulang reklamong kriminal para sa paglabag sa R.A. 9262 (Physical Abuse) at paglabag sa R.A. 10591 (Illegal Possession of Firearms) ay inihahanda na para sa pagsasampa sa korte laban sa suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Pope Vatican

Bagong Santo Papa sa 7 Mayo pipiliin

INAASAHANG sa 7 Mayo 2025, nakatakdang simulan ng Simbahang Katolika ang pagpili ng bagong Santo …

Arrest Shabu

Drug den sa NE nilansag, 5 tulak timbog

ARESTADO ang limang indibiduwal sa loob ng isang makeshift drug den habang nasamsam ang tinatayang …

Pasong grocery goods iniimbak para ibenta Bodega sa Tarlac sinalakay

Pasong grocery goods iniimbak para ibenta Bodega sa Tarlac sinalakay

SINALAKAY ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) -Tarlac District Office ang isang …

Absentee voting ng AFP matagumpay na naisagawa sa Fort Ramon Magsaysay

Absentee voting ng AFP matagumpay na naisagawa sa Fort Ramon Magsaysay

MATAGUMPAY na naisagawa ang Absentee Voting para sa mga sundalo ng iba’t ibang Philippine Army …

Bam Aquino Anne Curtis Janine Gutierrez

Isa pang ‘Diyosa’ suportado pagka-senador ni Bam Aquino

ISA pang “Diyosa” ang nagpahayag ng suporta sa pagka-senador ni dating Senador at independent candidate …