Wednesday , June 19 2024
Heart Evangelista Chiz Escudero

Heart super proud kay Chiz habang nanunumpa bilang Senate President

HATAWAN
ni Ed de Leon

TAAS noo si Heart Evangelista habang sinasaksihan ang panunumpa ng asawa niyang si Chiz Escudero bilang bagong pangulo ng Senado. Isa iyan sa pinaka-mataas na posisyon sa gobyerno. 

Pinangarap din iyan noon ng tatay ni Chiz pero hindi inabot.

Pinangarap din iyan ng asawa ni Sharon Cuneta pero hindi nakalusot at naging simula pa ng hidwaan nina Sharon at Sen Tito Sotto na sinasabing kung sumuporta lang sa asawa niya baka nanalong Senate President. Kaso ibinigay ni Tito Sen ang kanyang boto kay Sen Juan Ponce Enrile.

Noon pang nakaraang linggo alam na naming magiging pangulo ng senado si Chiz, dahil sa isang caucus daw na nagbigay ng suporta ang 15 senador sa kanyang pagiging pangulo ng senado.

Umano ang dahilan ay dahil nabigo si Migz Zubiri na maisulong ang ilang priority bills na kailangan sana ng bansa. Bukod doon napabayaan niya ang mga hearing ni Senador Bato dela Rosa tungkol sa PDEA Leaks ganoong sinasabi mismo niyon na wala silang ganoong dokumento. Iyon ay isang “witch hunt” lang sabi ng dating senador na si Antonio Trillanes dahil naghahanap sila ng “ebidensiya laban kay BBM na posibleng maging daan para mapatalsik iyon.”

May kinalaman daw iyan sa stand ni BBM laban sa China sa West Philippine Sea at ang pakikipag-ugnayan niyon sa US at iba pang mga bansa laban sa China.

Kung mapapatalsik nga naman si BBM, sino ang presidente? Natural wala na silang problema sa China at tiyak na hindi na makakapasok ang kinatatakutan nilang ICC na umuusig sa EJK noong kanilang panahon.

Pero lahat iyan ay espekulasyon lamang. Hindi natin alam kung ano ang talagang kaisipan nila. Hindi natin alam kung sino ang nagmaniobra ng coup sa senado. Pero nagtagumpay ang coup at senate president na ngayon si Chiz. Si Heart ngayon ay misis ng ikatlong pinakamataas na opisyal  ng ating gobyerno. Maski siguro ang mga magulang ni Heart na ayaw noon kay Chiz wala nang masasabi sa ngayon.

About Ed de Leon

Check Also

Andrea nagpagulong-gulong at umiyak, picture pinusuan ng Koren star 

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang maiyak ni Andrea Brillantes pagkatapos i-heart ng isang Korean star ang litrato …

Liza Soberano Julia Barretto Kathryn Bernardo

Liza at Julia ‘di issue mag-unfollow man kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon EWAN kung bakit parang issue pa na nag-unfollow si Liza Soberano at Julia Barretto kay Kathryn …

Maine Mendoza TV5

Maine Mendoza ‘di binastos nagpakuha ng selfie

HATAWANni Ed de Leon BINANATAN ng isang netizen si Maine Mendoza dahil nagpa-picture nga raw iyon pero hindi …

Jhong Hilario Vhong Navarro Ogie Alcasid Vice Ganda

Ogie, Jhong, Vhong ‘nakakanti’ rin ni Vice Ganda

HATAWANni Ed de Leon EWAN kung paanong natatagalan ng mga kasama niya sa show si Vice …

DingDong Dantes Marian Rivera Zia Sixto

Marian tagos sa puso mensahe kay Dingdong sa Father’s Day 

I-FLEXni Jun Nardo SIMPLE pero tagos sa puso ang mensahe ni Marian Rivera sa asawang si Dingdong Dantes sa Facebook nito …