Friday , July 26 2024
Vilma Santos Metropolitan Theater

Ate Vi muling pinuno ang MET; SRO sa Bata Bata Paano Ka Ginawa

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAPANSIN naming kakaiba ang ngiti ng mga tao sa Metropolitan Theater noong isang araw nang dumating kami roon. Late kasi kaming dumating at ang inabot naming usapan nila, “Isipin mo si Vilma lang pala ang makakapuno ulit sa MET.”

Pagdating namin, sinabi nila sa amin na nasa loge section si Ate Vi, “pero hindi na namin kayo maisisiksik doon, ang dami ng tao. Sa orchestra section baka may mahanap pa tayong upuan,” sabi ng usher. 

OK lang naman sa amin dahil hindi na namin kailangang umakyat pa ng hagdanan. Pagpasok namin puno na rin ang orchestra section, nakiusap na lang ang usher sa mga tao na umurong ng isang seat, para makaupo kami roon sa unang seat sa bukana.

Hindi namin akalain na ganoon karami ang taong manonood ng restored version ng Bata Bata Paano Ka Ginawa. Magugulat ka kasi pumapalakpak sila sa mga magagandang eksena na akala mo nanonood sila ng isang live presentation. Nang matapos ang pelikula, sabay-sabay na nagtayuan ang lahat at pumalakpak habang si Ate Vi naman ay lumalakad paakyat sa stage para sa talk back nilang dalawa ni direk Chito Rono. Maski si direk Chito nagulat sa audience na nang magbukas ang ilaw mapapansin mong karamihan ay mga kabataan na hindi pa siguro ipinanganganak nang ipalabas sa sinehan ang Bata Bata… Ang dami nilang tanong tungkol sa pelikula at sa character ni Lea Bustamante na ginampanan ni Ate Vi. At minsan pa narinig namin mula sa isang iginagalang na personalidad ng industriya  at kinikilalang director ang salitang, “baka hindi ganyan ang kalabasan ng pelikulang iyan kung hindi si Vilma Santos ang artista.”

Matatawa ka rin sa kanila dahil nagsisimula na naman silang tawagin si Ate Vi ng “Gob”, na itinama naman agad ng aktres at sinabing “Ate Vi na lang.” Kasi mas nadarama niya ang pagmamahal ng kausap niya kung tinatawag siyang Ate Vi kaysa: ”gob,”  “cong,” o kahit na “mayor” pa.   Hindi mo masisisi ang mga tao eh kasi natatandaan nila kung gaano siya kagaling bilang gobernador, mayor, at congreswoman. Pinipilit na naman nga siyang tumakbo sa susunod na eleksiyon. May mga kaibigan nga kaming pari na nagsabing, “hindi na magkakapanya iyan, basta mag-file lang ng certificate of candidacy wala namang lalaban sa kanya rito sa Batangas.”

Iyon ang nakita naming kaibahan ni Ate Vi, nakare-relate sa kanya maging ang kasalukuyang henerasyon. Nananatili siyang relevant sa kanilang paningin, in short hindi siya nalaos.

About Ed de Leon

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …