Tuesday , June 24 2025
Cyberlibel vs health advocate doctor inihain ng Bell-Kenz Pharma sa NBI
NAGHAIN ng cyberlibel charges ang mga kinatawan ng Bell-Kenz Pharma Inc., sa pangunguna ng kanilang corporate secretary na si Atty. Joseph Vincent Go, kasama sina Atty. Andrea Guillergan, Atty. Dezery Perlez, at Atty. Alex Avisado laban kay Dr. Anthony “Tony” Leachon sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI). Inakusahan ng Bell-Kenz Pharma si Leachon ng pagkakalat ng malisyosong impormasyon tungkol sa kanilang kompanya na umano’y nagpapraktis ng ‘prescription for sale’ scheme. (BONG SON)

Cyberlibel vs health advocate doctor inihain ng Bell-Kenz Pharma sa NBI

SINAMPAHAN ng kasong cyberlibel si public health advocate doctor Anthony Leachon kaugnay ng anila’y akusasyon nito laban sa kompanyang Bell-Kenz Pharma Inc sa National Bureau of Investigation (NBI) kahapon.  

Nabatid na inihain ang kaso sa tanggapan ng NBI Cybercrime Division sa Quezon City sa pamamagitan ng mga legal counsel ng Bell-Kenz.

Sinabi ni Atty. Dezery Perlez, Bell-Kenz Pharma, Inc., legal counsel at spokesperson, malisyoso at walang basehan ang mga ‘paratang’ ni Leachon sa kompanya kabilang na ang sinabing “multi-level marketing scheme” nito.

Nabatid sa legal counsel ng kompanya na ang social media post ni Leachon kabilang ang sinabing pag-recruit ng kompanya sa ilang doctor para ireseta ang kanilang mga produktong gamot kapalit ng umano ng regalong luxury car at biyahe sa ibang bansa ay malisyoso at walang basehan.

Samantala, sinabi ni Atty. Joseph Vincent Go, Corporate Secretary at Legal Counsel ng kompanyang Bell-Kenz, nakasira sa integridad at operasyon ng kompanya ang mga akusasyon laban sa Bell-Kenz.

Idinagdag ni Atty. Go na maging ang kanilang mga produkto at mga gamot ay nadamay sa kontrobersiya ng walang basehang akusasyon.

Nauna nang humarap sa senado ang mga opisyal ng kompanya sa ikinasang imbestigasyon sa naturang akusasyon.

Kaugnay nito itinanggi ng mga abogado ng Bell-Kenz Pharma ang mga paratang na ibinato laban sa kompanya at idiniin na ito ay isang “law-abiding pharmaceutical entity” at sumusunod sa lahat ng regulasyon ng gobyerno. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rogelio Pojie Peñones Jose Melencio Nartatez Jr JEAN S FAJARDO

PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, bagong regional director ng PRO3

Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga-Pinangunahan ni Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez …

Krystall herbal products

Krystall Herbal Products malaking tulong sa kalusugan ngayong tag-ulan, at madalas na pagbaha

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

MILO NAS National Academy of Sports

Pagtataguyod sa Susunod na Henerasyon ng mga Kampeon:  
MILO Nagkaloob ng Kagamitang Pampalakasan sa NAS sa Ika-5 Anibersaryo

NEW CLARK CITY, CAPAS, TARLAC, 23 Hunyo 2025 – Pinabilis ng MILO Philippines ang matagal …

Alas Pilipinas SEA V League

ALAS Pilipinas handa na sa SEA Men’s V.League sa Candon City!

MAGPAPASIKLAB na naman ang ALAS Pilipinas sa harap ng home crowd—pero ngayon, may ranking points …

Anthony Banayad Granada

Pagkamatay ng missing DLSU law student iniimbestigahan

MASUSING iniimbestigahan ng mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) ang pagkamatay ng naunang iniulat …