Jos Garcia

Jos Garcia itinanghal na Female Pop Artist  of the Year sa 15th Star Awards for Music

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYA ang international Pinoy singer na nakabase sa Japan na si Jos Garcia sa pagka-panalo nito sa 15th Star Awards for Music para sa kategoryang  Female Pop Artist of the Year sa kanyang awiting Nami-Miss Ko Na  mula sa composition ni Amandito Araneta.

Post nga nito sa kanyang Facebook account, “Thank you PMPC for the never ending support. I truly appreciate po.”

Ayon nga kay Jos, “Ang Nami miss ko na ay nilikha ni Amandito Araneta Jr. Awitin para sa mga taong labis ang pananabik sa kanilang mahal. 

“Awiting buong buo ng pagmamahal.

Awiting tatagos sa inyong mga puso. 

“Ating tangkilikin ang mga awiting Pilipino. 

Mahalin ang sariling atin at ipaalam sa buong mundo ang kagalingan ng mga Pilipino sa paglikha ng musika. 

“Mabuhay ang awiting Pilipino!”

Babalik si Jos sa bansa sa kalagitnaan ng taon para sa promotion ng kanyang inieendosong Cleaning Mama’s by Natasha.